🔥Chapter Seventeen

1 0 0
                                    

Lorraine
Traitor


Blanko ang sumunod na kwarto na napuntahan namin. Gaya nang nangyari dati, nagpahinga muna kami dito. Umupo ako sa gilid, napatulala sa kawalan.

Nakapasok na ang lahat sa elevator pagkatapos naming magpahinga ng ilang minuto sa blank room. Buti na lang naisip ng mga nasa itaas na gumawa ng blank room.

Grabe din 'yung mga pinapagawa nila, ah. Pagkatapos ng ilang makapigil hiningang mga escape room na ginawa nila. Hingal na hingal ako at kinapa ang dibdib ko para makabawi ng hininga.

Tinitigan ko si Alfred. Tulala lang siya sa isang tabi habang nakatayo. Umiwas ako ng tingin nang titigan niya ako. Pagkatapos ng mga nangyari kanina, ng mga nalaman ko tungkol sa kaniya, hindi ko na alam kung ano ang ire-react ko.

Huminga ako ng malalim. Saktong magsasalita na sana ako nang bumukas ang elevator. Wala ako ibang nagawa kundi lumabas. Nahinto na lang ako nang mapasubaybay sa paligid.

Pinikit pikit ko pa ang mata ko, sinisigurado at baka namamalik mata lang ako.

"Another blank room?" dinig kong saad ni Carla. "Baka hindi naman gumalaw ang elevator. Balik tayo."

Imposibleng nasa dating kwarto pa din kami. Ramdam ko mismo na gumagalaw ang elevator pababa. Imposible ang sinasabi ni Carla. Maliban na lang kung dalawa talaga ang blank room.

Nagsimula nang maglakad si Carla pabalik sa elevator nang pigilan siya at hawakan sa braso ni Flex.

"Stop right there." singhal ni Flex.

Nakakunot naman ang nuo na inialis ni Carla ang pagkakahawak sa kaniya ni Flex. Pabalag niya itong tinapik.

"Bitawan mo nga ako! Ang higpit ng pagkakahawak mo at nasasaktan ako!" galit na ani Carla. "Ano bang problema mo?"

Lumapit na ako ki Carla at sinenyasan si Jacob na mukhang nakuha naman ang gusto kong sabihin habang si Alfred naman ay nakatingin lang sa amin.

Sinubukan kong pakalmahin si Carla. Hinawakan ko siya nang mahina sa braso habang ganun din si Jacob ki Flex.

"Ano ba, Jacob? Naiinip na ako. Wala nang oras!" singhal niya ki Jacob. "We shouldn't stay any longer here! Alam mo 'yan!" dagdag pa niya.

"Okay, just calm down." pagpapakalma ni Jacob ki Flex. "Flex is right. Baka hindi 'to blank room na tulad ng inaasahan natin. Baka, isa lang 'tong trap room."

Tama siya. Baka isang patibong lang itong kwartong ito. Nagkatinginan kami ni Jacob at tumango sa isa't isa habang si Alfred naman ay tahimik lang kaming pinagmamasdan.

Napagdesisyonan ng lahat na umalis na sa kwartong ito. Naunang naglakad sila Flex at Jacob habang mahinang nag-uusap, I think, they are whisphering to each other. Magkasabay naman kaming naglakad ni Carla habang nagpahuli naman si Alfred

"What's wrong with that b*tch?" ani Carla. She is referring to Flex. I glanced at flex na ngayo'y nakakunot nuong kausap si Jacob.

"Nuong kanina lang, she seems so nice and kind, parang ang sweet sweet girl. But now... ugh! Bilis magpalit ng mood."

Tinitigan ko si Flex mula sa likod. Tama si Carla. Gaya nuong unang salta ko dito, ang bait bait at ang welcoming niya sa akin pero ngayon, hindi ko alam kung bakit nagmamaldita na siya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

🔥Prison Hell (On-Going)Where stories live. Discover now