🔥Chapter Eleven

6 1 0
                                    


Lorraine
Living in Hell

I wasn't expecting for this. Oo't naiinis at nagagalit ako ki Madisson dahil sa pakikitungo niya sa akin sa simula pa lang, pero she doesn't deserve this.

Hindi niya deserve ang mamatay. May part sa akin na natutuwang ganun ang sinapit niya pero majority ay talagang nanghihinayang ako dahil 'di man lang ako nabigyan ng tyansang makilala siya ng lubusan.

Alam ko kahit papaano ay may natitirang kabaitan naman sa kaniya... Katulad ni Alfred. I missjudge him.

Before judging someone, we have to know their whole story first. Hindi porket mabait sila sa'yo, eh, maganda na ang ugali nila. Pu-pwedeng nagpapanggap lang sila para linlangin ka. Hindi din porket bida ang isang tao, sa kanya na palagi nakatutok ang spotlight.

"A-ano ginawa nila kay Warren?" tanong ko sa kanila kahit narinig ko din naman ang sinabi nila kanina. Gusto kong siguraduhin kung tama ba ang narinig ko.

Bumuntong-hininga si Jacob at binalingan ako ng tingin.

"Pinatapon nila sa baba. That's our punishment for him."

Napatakip na lang ako ng bibig sa sinabi niya. Sana lang ay kayanin niyang makapag-survive sa ibaba. Nalulungkot ako para sa kaniya, sa buhay niya.

Naalala ko kasi nung nasa baba pa ako. Todo ang takbo ko at akala ko mamamatay na ako. Buti na lang ay nakatakbo ako ng mabilis.

"Hindi ba mapanganib duon?" rinig kong tanong ni Steve.

"That's his punishment for killing Madisson." sabad naman ni Flex.

Hindi ko na lang sila inintindi pa. Tinignan ko ang dereksyon kung saan natagpuan ang katawan ni Madisson. Nabigla pa nga kami nung bumukas ang elevator at ang patay na katawan ni Madisson ang agad na bumungad sa amin.

Hindi ko alam kung papaano kami nabalik sa kampo dahil nakatuon ang ang isip ko sa nakita ko kanina sa blank room. Pero nabalik iyon sa reyalidad nang makita ko ang walang buhay na si Madisson na may tama ng mga bala.

Halos lahat ng tao na nandidito ay nagkumpulan duon. Ang iba ay nagtulong tulong sa pagbuhat ng katawan habang ang iba ay nilinis ang natutuyong dugo sa sahig.

Natuon ang atensyon ko ki Joy na tahimik lang nakatayo habang pinagmamasdan ang ilan sa mga kasamahan naming binubuhat ang katawan ni Madisson. Nakatayo lang siya duon at wala akong mahagilap na kahit na anong emosyon sa mukha niya.

Kumunot nalang ang nuo ko nang makaramdam ako ng kakaiba. There's something off about her, hindi ko lang matukoy.

Napaiwas na lang ako ng tingin nang mabaling sa akin ang atenayon niya. Hindi ko napigilan ang kuryusidad ko kaya binalingan ko ulit siya ng tingin.

She just smiled. Ngumiti lang naman siya pero parang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa kaniya. Sa pagngiti niyang iyon ay kinutuban ako.

Siya kaya ang pumatay kay Madisson?

The way she acts tells it all.

"Let's go inside." nabaling ako ki Flex na nagsalita. Nagsimula na sing maglakad papasok sa kampo.

Wala din naman akong choice kundi ang pumasok. Gusto ko din naman kasi mawala sa paningin ko si Joy.

🔥Prison Hell (On-Going)Where stories live. Discover now