Chapter 21

7 2 0
                                    

Enjoy reading! 💙

Private talk

Kim's POV

"Ok, class you may go home now." Matapos sabihin ng last subject namin 'yon ay dali-dali kong kinuha ang bag ko at nag lakad paalis. Palabas na'ko ng pinto ng may umila ng kwelyo ng uniform ko. Patay...

"At sa tingin mo makakatakas ka? Pwes akala mo lang 'yon, balik!" Para akong batang hinila ni julie sa kwelyo ko pabalik sa loob ng classroom namin.

Akala ko makakatakas na'ko! Hindi pala! Apaka talas ng mata ng babaeng 'yon, malapit na'ko sa pinto konti na lang ay makakaalis na'ko nakita niya parin ako. Sumabay na nga ako sa alon ng tao.

Nakasimangot akong nag walis, padabog ko ring hinihila 'yung mga upuan para mawalisan ko 'yung ilalim. Nang makarating ako sa pinaka likod na row ay lalo akong nanghina, bakit kamo?

DAHIL SOBRANG DAMING PAPEL NA NAKA KALAT MAY MGA WRAPPER NG PINAGKAINAN NILA AT ANG DAMING WATER BOTTLES!

Matapos naming mag linis ng sobrang daming kalat ay itinapon namin yung trash bag bago nilock 'yung pinto. Halos wala ng studyante ng makarating kami sa gate nag paalam na 'yung mga classsmate ko na uuwi na gano'n din si julie.

"Ang tagal mo naman." Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Humarap ako kung saan nanggaling ang boses, agad akong tumakbo palapit kay Josh at yumakap sa kanya. Miss na miss ko na 'tong bakulaw kong best friend!!

"HOY! NAMISS KITANG BAKULAW KA!" Maluha luhang sabi ko habang nakakapit sa leeg niya para hindi ako malaglag. Wala akong pake kung may nakakakita samin basta miss na miss ko na 'to dahil ilang araw na kaming hindi nag uusap dahil sa pag amin niya.

"K-kim... H-hindi ako makahinga!" Nahihirapang sabi ni josh. Agad akong bumitaw at ngumiti sa kaniya sabay peace sign. Ilang beses siya huminga ng malalim bago mag salita. "Namiss din kita, kikim." Parang batang sabi niya. Natawa ako dahil sa mukha niya, nakanguso tapos mukang nag papa cute.

Akala mo naman cute.

"Tara, bili tayo ng street food. Treat ko." Nakangiting alok niya. Agad akong napaatras ng maalala ko yung huling beses na niyaya niya ako tapos ang ending ako ang nag bayad kasi wala raw siyang dalang pera. Budol amputa.

"Nako Joshua Vill, tigilan mo na mambubudol ka nanaman." Mataray na sabi ko at pinag cross ang braso sa dib-dib ko. Ayy wala pala ako no'n sana kayo rin.

"Hindi 'to budol, sinigurado ko na nasa akin yung wallet ko tapos may laman din kaya kahit 'yung buong cart p'wede kong bilihin." Nakangising sabi niya, nag mamaybang.

Hindi ko na siya sinagot inirapan ko na lang at nag lakad papunta sa pwesto ni Mang Jun 'yung lagi naming binibilhan.

"Oh, parang ilang araw din kayong hindi mag kasama nitong ni Josh ha? May LQ kayo 'no?" Mapanuksong sabi ni kuya jun. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ano po yung LQ Kuya Jun? Long quiz?" Kunot noong tanong ko habang ngumunguya ng fishball.

Sabay na natawa si Josh at Kuya Jun, napasimangot ako dahil nakakapikon yung tawa nila. Hindi ko na lang sila pinansin at nag focus na lang ako sa kinakain ko. Dadamihan ko para makabawi ako sa daming beses akong nabudol nitong bakulaw na'to. Hehe.

"Siyang siya ka ah. Samantalang 'yung wallet ko luhaan." Narinig kong bulong niya, natawa ako sa sinabi niya. Tumigil ako sa pag talon talon at humarap sa kaniya.

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now