Chapter 6

32 7 0
                                    

Enjoy reading! 💙

Date?

Kim's POV

Today is pahinga day!!! Yeyy! walang pasok oyeh! Walang pasok oyeh! oyeh beybeh!!! Tapos na ang torture day! Tinignan ko ang oras sa cellphone ko 6:10 a.m. Tutal maaga pa naman ay nahiga ulit ako sa higaan ko para matulog ulit. Hindi pa nag tatagal ang pag higa ko ng biglang sumigaw si inay.

"ABA! KIM! ANONG PETSA NA?! HINDI KAPA BUMABANGON RIYAN?!" Sigaw ni inay mula sa labas.

"SABADO NGAYON NAY!" Sigaw na sagot ko.

"ABA LOKO KANG BATA KA! NAKUHA MO PANG MAMILOSOPO?! BUMANGON KANA RIYAN AT MAG AGAHAN KANA! MAG LALABA PA TAYO!!"

"IHH! NAAY NAMAN KAYA MO NA YAN MALAKI KANA!" Sagot ko, pumikit agad ako para matulog.

"ISA DIANE! BUMANGON KA RIYAN WAG MOKO HINTAYIN NA PUNTAHAN KA." Pag babanta ni inay. Agad akong bumangon alam kong malilinikan talaga ako pag di pako bumangon. Tumingin ulit ako sa higaan, hinimas himas ko yung kutson para ilabas ang sama ng loob ko.

"Babalik ako ha." Sabi ko. Umarte akong nalu-luha, lumabas na ko ng kwarto para mag agahan.

{Baliw.-_-}

Si fred lang ang nakita ko sa lamesa nakain, baka nasa labas si inay hinahanda yung labahin namin.

"Good morning fred." Bati ko at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

"Morning ate." Sabi niya at ngumiti ng malapad, nginitian ko den siya. Nag simula nakong mag agahan, hindi ko na niyaya si inay dahil sinira niya ang araw ko. CHAROT. Tapos na kong kumain pero si fred hindi pa, iniwan ko na lang siya sa lamesa at lumabas sa likod bahay para mag laba.

Nag simula na'kong mag kusot ng mga puting damit, hindi raw pwede pag samahin ang decolor at puti kase baka raw humawa sa puti. Nag paalam si inay na pupuntang palengke.

"Style mo nay bulok pupuntang palengke e makikipag chikahan ka lang sa mga kumare mo dun." Inis na bulong ko ng makaalis na si inay. Nakasimangot akong nag kusot ng damit.

"Aga-aga nakasimangot ka, baka pumanget ka." Sabi ng tukmol, kahit di ko tignan alam ko kung sino siya.

"Nako josh tantanan mo'ko ha?! Baka ikaw ang kusutan ko riyan." Mataray na sagot ko, hindi ko parin siya tinatapunan ng tingin dahil focus ako sa pag kukusot ng mga damit. 

"Sige lang. Alam ko naman pantasya mong mahawakan ang katawan ko kaya, sige san bako pupuwesto?" Kumunot ang noo ko, makita ko siyang nakangiti ng nakakaloko at nag ta-taas baba pa ang kilay ng loko.

"ANO KA?! MUKHA MO ASA KANG PAG PANTASYAHAN KO YANG PAYAT MONG KATAWAN!" Iritang sigaw ko tinginan ko siya ng matalim. Binalik ko na sa ginagawa ko ang atensyon ko.

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now