Chapter 14

16 4 0
                                    

Enjoy reading! 💙

Riot

Kim's POV

6:00 am na ng umaga nag lalakad na kami ni Josh papasok sa school. Masama parin ang loob ko sa kaniya dahil sa pag lilihim niya, hindi niya alam na alam ko na. Ilang araw narin ang lumipas mula nang mangyari ang rebelasyon na iyon, ngunit may naiwan paring tanong sa aking isipan. Totoo kayang naka buntis siya? Ayon ang pala isipang hindi nawawala sa'kin. Napa buntong hininga ako, hell week na namin ngayon mas kailangan kong mag focus dito mahirap na baka bumagsak ako at hindi maka graduate.

"Anong oras ba first subject niyo?" Tanong ni Josh hawak niya ang strap ng bag niya habang nag lalakad. 

"7:30 pa" Sagot ko at sinipa ang maliliit na bato. "Eh, kayo? Anong oras?" Tanong ko at nilingon siya.

"7:30 din." Sabi niya at tumawa ng bahagya. Mukhang nasa mood siya, ah. Sana all. 

"Bakit parang ang saya mo naman 'ata? Siguro excited ka ng makita yung taong gusto mo ano?" Pang aasar ko sa kanya, sinundot ko ang tagiliran niya.

Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pag kiliti sa kaniya. "Hindi rin." Sabi niya at inakbayan ako sabay ngiti niya. Kung pag mamasdan siyang maigi parang wala siyang kinakaharap na problem. At parang walang inililihim sa'kin na matalik niyang kaibigan... 

"Bakit naman? Don't tell me wala ka pa ring natitipuhan?" Kunot noong tanong ko. 

Umiling siya at tumawa. "Meron akong nagugustuhan, pero parang hindi niya ako gusto at hindi niya rin alam na may gusto ako sa kanya, at gustong gusto ko 'yung babaeng 'yon." Sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko ng diretso. Napaiwas ako ng tingin, hindi ko na kayang labanan 'yung titig niya, for some reason parang pakiramdam ko ay kilala ko yung tinutukoy niya. Pero ayoko naman mag assume, at baka yung rumored nabuntis niya iyon; na malaking pala isipan sa'kin kung sino iyon.

"A-ahh." 'Yun lang ang lumabas sa bibig ko dahil ramdam ko pa rin ang titig niya sakin.

"Tara na nga bilisan na natin." Sabi niya sabay hila sakin, nag padala nalang ako sa hila niya.

"Pfft." Rinig ko pag pipigil ng tawa ng loka-loka kong best friend pag upo ko sa upuan ko.

"Saya natin ah." Pag paparinig ko kay juls sabay ngisi.

"Bakit?" Inosenteng tanong niya sakin pero nakangiti pa rin siya.

"Bakit?" Pang gagaya ko sa boses niya sabay irap, binelatan niya lang ako at bumalik na siya sa upuan niya sa kabilang side ng room namin.

"Ok class get a one whole of pad paper then a pen, write your name, grade & section and the date today." Walang intro intro, 'yon ang bungad ng first subject namin sa major subject. Kumuha na'ko ng pinapakuha niya at nag sagot na ng test namin para sa fourth quarter. Hayst... Isang buwan na lang pala mag co-college na'ko, hindi pa naman sapat 'yung ipon ko para sa college kulang na kulang pa 'yon baka hanggang first semester lang ang maabot nito. 

*Breaktime*

"Hoy ano pa hinihintay mo r'yan? Tara na breaktime na, eh." Aya ni julie ng makalapit siya sa kinau-upuan ko.

"Wala ako sa mood, 20 minutes lang naman yung breaktime, eh mauubos lang 'yan sa pag pila." Naka pangalumababang sagot ko.

"Sige... Ikaw bahala," Nag kibit balikat na lang siya at nag lakad na palabas ng room. Binilin ko rin na kapag hinanap ako ni josh sabihin na tinamad ako, madalas kasi kaming mag kita sa canteen pag breaktime.

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now