Chapter 13

20 3 0
                                    

Enjoy reading! 💙

Truth

Kim's POV

"Balita ko'y, lagi ka raw tulala~" Agad na kumunot ang noo ko dahil sa pag kanta ni julie sa tabi ko, ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko na ang babae dahil sa pag iisip. Ngumiti naman ng malawak si gaga. Wala ang next subject namin kaya malaya siyang nakakapang inis.

"Problema mo?" Naka simangot na tanong ko sa kaniya. 

"Pa-share naman ako ng iniisip mo, sis. What's on your mind?" Tanong niya at tinaas taas niya pa ang kilay niya. Kumunot ang noo ko dahil tila pamilyar ang huling apat na salitang binanggit nito.

"Wala, yung kay josh lang." Sabi ko at napa buntong hininga. Unti unting nang nawawala yng issue about sa kaniya, pero yung mga makahulugang tingin ng tao sa kaniya ay hindi parin nawawala. 

"Ah, oo nga pala, kamusta na siya? Nalaman na ba sino yung nag pakalat at kung..." Tumigil siya sa pagsasalita at bumuntong hininga. "Totoo ba yunng mga iyon?" Maingat na tanong niya, she probably doesn't want me to get hurt by the question.

Umiling lang ako at ngumiti ng tipid, hanggang ngayon ay wala parin siyang sinasabi na kahit ano sa'kin. Pakiramdam ko ay wala siyang balak sabihin, at panatilihin nalamang itong sikreto. Nag pakawala ako ng malalim na bunntong hininga sa isiping iyon. 

"Siya nga pala, exam na next week, sabay tsayong mag review ha?" Naka ngiting sabi ni julie, inangkla nito ang mga braso niya sa braso ko habang naka ngiti ng malawak. 

Napa ngiwi ako sa itsura niya. "Mema ka, review, review, eh panay kain lang ang ginagawa mo  sa review date na iyan." Naka simangot  na sabi ko, nung huling mag aya siya ng review date at ay wala kaming naral dahil panay siya kain ng snacks. Ang sabi niya pa ay kailangan daw iyong para ganahan kaming mag aral, napa iling ako.

"Hindi naman eh! FYI, kailangan natin kumain habang nag r-review para sabay na mabubusog ang utak at tyan nnatin, hmp." Naka ngusong depensa nito sa sarili, told yah. Nailing ako sa naging sagot ng babae.

Food is life talaga.

"Una na ako, ingat kayo sa pag uwi! Hoy, yung review date, hmm?" Yumakap siya sa'kin at humalik sa pisngi ko.

"Oo na, text mo nalang ako sa details. Ingat." Niyakap ko ito pabalik, hinatid ko ng tingin si julie mula sa gate ng school. Sinigurado ko munang naka sakay na ito  ng tricycle bago ako tumalikod at hintayin si josh sa stall ni mang jun.

"Oh, hija, wala pa si juswa. Nauna kang lumabas ngayon, ah." Agad na bungad ni mang jun nang makita akong papalapit. Madalas ngang mauna si josh dito, pero minsan ako, depende iyon sa dami ng gagawin nila sa last subject.

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Oo nga po eh, baka po maraming pinapagawa ang huling subject teacher." Sabi ko at tumuhog ng ilang pirasong fishball, kikiam, at kwek kwek. Nilagyan ko ito ng paborito kong sauce na suka, masarap kasi ang timpla ni mang jun, dinadamihan ko ang lagay kasi niinom ko. Walang basagan ng trip, agad kong inabot ay mang  jun ang bayad ko, baka makalimutan ko pa eh.

Naupo ako sa monoblock na ipinahiram sa'kin ni mang jun at tahimik na kumain. Naubos ko na't lahat ang kinakain ko pero wala paring josh na lumalabas sa gate ng school, tumayo ako para  itapon ang pinag kainan ko at inilibot ang paningin para hanapin ang magaling kong best friend. Luminga linga ako at may nakita akong pamilyar na bultong nakatayo malapit sa waiting shed, madilim sa parteng iton dahil sira ang lampost.

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now