Chapter 20

13 3 1
                                    

Enjoy reading! 💙

Toy?

Kim's POV

"Hoy! Nakikinig kaba?" Bumalik ako sa realidad ng maramdaman ko ang hininga ni Josh sa pisngi ko.

Lumingon ako sa gawi niya at gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko ng halos mag kadikit na mga labi namin dahil sa sobrang lapit niya.

Bwisit!!!

"L-lumayo ka nga, sasapakin kita tamo." Naiilang na sabi ko at laking pasasalamat ko ng lumayo naman siya. "... Ano ba kasi ang sinasabi mo?" Kunot noong tanong ko.

"Hindi ka kasi nakikinig." Inirapan niya ako at natawa naman ako, "... Ang sabi ko hindi ako papasok sa school na 'yon. Ayaw ko ro'n." Nakangusong dagdag niya. Kununot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"At bakit naman, aber?" Taas noong tanong ko.

"Eh, kasi wala ka ro'n. Kung saan ka papasok doon din ako, hehe." Ngumiti siya sa'kin ng sobrang lawak ulti mong bagang niya ay kita ko na.

"Sira ba ulo mo? Ikakamatay mo ba kung hindi tayo sa Isang school papasok ha? Uhm!" Inambahan ko siya ng batok at agad naman siyang nag handa para salagin ito.

Ngumuso siya, "Hindi naman, pero hindi ako makakampante kung malalayo ka sa'kin, lalo na't alam kong hindi gano'n kakapal ang mukha mo pag dating sa iba, sa'kin lang makapal mukha mo, eh." Sabi niya at tinawanan ako ng malakas.

Nang insulto pa ang bakulaw na'to. Pero may point.

"Ewan ko sa'yo, basta ro'n ka mag enroll, matalino ka naman at magaling sa sports, at kung sakalaing hindi ka papalarin ay kaya ka naman paaralin nila tita, kaya paniguradong makakapasok ka parin hindi malabong mag karoon ka rin ng honors kapag gumraduate kana, tyaka tama na nga 'yang ganyang topic malayo layo pa naman, eh." Nakangiting sabi ko, hindi niya na ako sinagot pa bumuntong hininga siya at tumanaw ulit sa malayo.

"Halika na, bumaba na tayo. Malapit ng dumilim." Tumayo ako at pinagpagan ang suot kong damit na puro piraso ng tuyot na dahon.

"Hintayin natin mag sunset bago bumaba." Nakangiting sabi niya, tumango naman ako at ngumiti. Gumanti naman siya ng ngiting nakakaloko, problema nito?

≈≈≈

Joshua's POV

Nakangiti akong nakatingin sa mga nag tataasang burol malapit sa pinag dalhan sa'kin ni Kim, nakaka-relax ang tanawin maging ang sariwang hangin. Totoong nakaka wala ng problema.

Salamat ng marami Kim, dahil dito ay gumaan ang pakiramdam ko.

Tumingin ako sa katabi ko kung saan nakaupo ang babaeng dahilan ng kasayahan at pag gaan ng loob ko. Napangiti ako at nag iwas ng tingin sa kanya, hindi ko maiwasang kabahan dahil sa presensya niya.

"Kim! Tignan mo!" Maya maya pang sabi ko, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatayo at mamangha sa ganda ng tanawin ng palulubog na araw mula rito sa burol na tinatambayan namin. Nag hahalo ang kulay orange at pink sa kalangitan.

"Ano ba?! Nakakagulat ka naman! Bigla bigla kang nahiyaw." Sabi niya at humawak sa dib-dib niya, "... Sabi ko sa'yo, eh. Maganda dito." Nakangiting pag mamalaking sabi niya at niyakap ako mula sa gilid.

Bahagya akong napatalon sa gulat na may kasamang kaba dahil sa ginawa niya. Hindi naman ito ang unang beses na niyakap niya ako pero bakit parang bago ng bago para sa'kin! Hindi kaya dahil sa nararamdaman ko? Pero alam kong sa sarili ko na adan din ang nais ko. Pero... Ilang taon ko na siyang gusto... Ayy ewan! Ang gulo na, shit.

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now