Chapter 19

11 3 1
                                    

Enjoy reading! 💙

Kim the explorer

Kim's POV

Nakatambay ako sa favorite spot ko sa ilalim ng puno ng mangga. May mga ibong malaya ng lumilipad sa himpapawid at ang iba naman ay pumupunta sa mga sanga para balikan ang nest nila. Kasabay no'n ay ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko, ipinikit ko ang mga mata ko para namnamin ang hangin na dumadampi sa'kin. Naramdaman ko ang presensya sa gilid ko kaya agad akong bumalikwas ng bangon.

Handa na'kong karatihin 'yung tumabi sa'kin pero napatigil ako ng makitang si Josh pala, akala ko 'yung lalaking sumusunod sa'kin e. Nagiging paranoid na ako. Nakakainis na, pakiramdam ko laging may masamang mangyayari sa'kin. Although he stopped texting me, still, baka mamaya bigla siyang sumulpot at kidnappin ako.

"Chill ka lang, masyado kang bayolente, eh." Natatawang sabi ni Josh at hinila ang kamay kong nakaamba sa kaniya para paupuin ako ulit. Medjo maaliwalas na muli ang mukha niya, siguro dahil ito sa nailabas na niya ang sikretong tinatago. 

Simula rin no'ng aminin niya ay bumalik na kami sa dati, hindi ko sinabi kay inay o kay juls ang nalaman ko because it's not my story to tell. Siya dapat ang mag sabi at hindi ako.

"Sorry naman 'no? Malay ko bang ikaw pala 'yan, ok ng handa kung sakali." Pag depensa ko sa sarili ko. "... At napadpad ka 'ata dito sa teritoryo ko?" Dag-dag ko pa. Imbis na sumagot ay, bumuntong hininga siya ng malalim. Hmm... Parang alam ko na kung bakit napadpad ang bakulaw na'to sa teritoryo ko.

"Pwede na'ko makakuha ng ginto sa lalim ah..." Pag bibiro ko, "... Ano'ng problema?" Dag-dag na tanong ko. 

"Hahaha baliw ka talaga. Wala ayos lang ako," Sabi niya at ngumiti. Pero 'yung ngiti niya ngiwi. Tsk! Ang pangit niya, joke HAHAHAHA!

"Ano nga? Parang hindi mo ako best friend, ah!" Nagkunwari pa akong nag punas ng luha ko sa mata. Tumawa siya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko, ninamnam niya rin ang sariwang hangin. Ginaya ko rin siya, ngunit ang ulo ko kay insinandal ko sa ulo niya. Mahabang katahimikan ang pumagitan sa'min bago niya iyon basagin.

"Kim?" Pag basag niya sa katahimikan.

"Hmm?"

"Sa tingin mo... Anong dapat gawin ng taong gusto mo?" Tanong niya. Ganito ba talaga pag walang matopic? Pero ok na din 'to kesa tahimik.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ko makuha 'yung punto ng tanong mo, eh." Totoo naman, naguguluhan.

"Ang ibig kong sabihin ay, ano'ng dapat mong gawin kung nararamdaman mong..." Tumigil siya sa pagsasalita.

" Mong...?" Tanong ko.

"Na nahulog ka sa pinaka matalik mong... Kaibigan." Medyo humina ang boses niya sa huling sinabi niya pero narinig ko pa rin dahil naka sandal ang ulo ko sa ulo niya.

"'Yan ba ang kanina mo pa iniisip?" Natatawang tanong ko sa kanya. Umayos siya ng upo at gano'n din ang ginawa ko. Napakamot siya ng ulo bago dahang-dahang tumango.

Bahagyang nangunot ang noo ko. "Akala ko ba... You're gay?" Medjo naguguluhang tanong ko. 

"O-oo nga! L-lalaki naman 'yong tinutukoy ko." Nauutal na sagot niya. Tumingin ako sa kaniya at bahagynag pinanliitan ng mata, kagat kagat nito ang manipis na pulang labi. He looks a little tensed and nervous for some reason. Isinawalang bahala ko nalang iyon, baka hindi parin siya comfortable.

Pero teka, lalaki? Matalik na kaibigan? Ang alam ko ako lang ang nag iisang matalik niyang kaibigan, pareho kaming hindi marunong makipag kaibigan sapagkat pareho kaming nahihirapan mag engage ng conversation sa ibang tao. Pero, sabagay, people change, nag mature siya at natuto. Gosh, nagiging overthinker na ako, parang ikaw lang:p

Remembering Her Pastحيث تعيش القصص. اكتشف الآن