Chapter 17

13 6 3
                                    

Enjoy reading! 💙

Old lady

Kim's POV

"Andito na po ako!" Bati ko at inilapag ang bag ko sa luma naming kahoy na upuan. Byernes na ngayon, kakauwi ko lang galing practice namin para sa roleplay. Lumuhod ako para halikan si fred na nag lalaro sa sahig.

"Hey, baby." Bati ko, tumayo na'ko para pumunta sa kusina sigurado akong nando'n si inay nag hahanda ng hapunan.

"Andito napo ako." Yumakap ako sa bewang ni inay at humalik sa pisngi niya.

"Oh, kamusta ang skwela?" Mahinahong tanong ni inay habang nag hahalo ng paborito kong menudo. Inalis ko ang pag kakayakap sa bewang ni inay at naupo sa silya malapit sa kaiya.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Ayos naman po." Sagot ko at ngumiti ng pilit. Tumaas ang dalawang kilay ni inay, nahalata na pilit lang ang ngiti ko.

"Ayos? Pero 'yung ngiti mo, ngiwi ang kinalabasan." Mahinang natawa si inay. "Ano ba'ng nangyari?" Lumapit si inay at hinimas ang pisngi ko.

"Wala po, ayos lang po talaga ako. Pagod lang po siguro sa practice." Sabi ko at ngumiti, hindi ko masabi sa kaniya yung mga nangyari pagkatapos kong mauntog o kahit yung pangyayaring iyon mismo, maging ang natuklasan ko tungkol kay Joshua. Parang may pumipigil sa'kin na kung ano. 

"Kawawa naman ang anak ko." Lumapit si inay at niyakap ako, bahagya siyang lumayo at kumunot ang noo ni inay. Mag tatanong na sana ako kung bakit, pero dumako ang kamay niya sa ulo ko at hinawakan ang parte kung saan ako nauntog.

"Ano'ng nangyari sa ulo mo? Bakit may sugat? At ang laki ng bukol." Nag aalalang tanong ni inay. "Bakit walang gauze ang sugat mo? Hindi kaba pumunta sa clinic? Ano'ng nangyari sa'yo? Jusko." Nilagyan ng nurse iyon, pero matagal na iyon atyaka inalis ko rin kaagad dahil pakiramdam ko ay mukha akong ewan, gusto ko iyon sabihin pero hindi ko magawa. Bakas sa boses at mata niya ang takot at pag aalala.

"Nay, wala po 'yan. Tinamaan lang po kanina." Weh? "'Wag na po kayong mag alala, hindi naman po masakit, eh." Nakangiting sabi ko. "At tyaka nay, ako pa? Kayang kaya ko'to, malakas 'ata 'to." Sabi ko at pinakita ang muscle ko sa balikat. Bahagyang natawa si inay.

"Mag bihis kana, at kakain na tayo. Masarap ang ulam natin." Naka ngiting sabi ni inay. Agad akong tumango at tumakbo papunta sa maliit kong kwarto.

Matiwasay akong nahiga sa maliit kong kama at akmang ipipikit ko na ang mga mata ko ng mag vibrate ang cellphone ko. Dali dali akong bumangon at umaasang si Josh 'yon,matapos kasi nung sagutan namin ay hindi na kami masyadong nag uusap, pero sabay parin kaming umuuwi, Ayon ngalang walang kahit anong usapan ang nagaganap sa'min. Nag tampo na yata ng tuluyan, hay. Bumagsak ang balikat ko ng hindi si Josh ang nag message. Napabuntong hininga ako bago buksan ang message.

From: Siraulong Unknown Texter

Good evening, darling.

Agad akong na-bwisit sa nabasa ko at kung kanino nanggaling 'yon!

Me:

Mukha mo! Tantanan mo na nga ako!

Madiin kong pinindot ang send! Ilang segundo lang ng lumipas natanggap ko na agad ang reply niya.

From: Siraulong Unknown Texter

Awe, it looks like you're not in the mood. What's wrong?

Me:

Oo wala ako sa mood dahil sa'yo! Bwisit nalitsi ka!

From: Siraulong Unknown Texter

Ouch! My heartache, bakit mo ako minumura?:(

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now