Chapter 16

11 4 4
                                    

Enjoy reading! 💙

That guy again?!

Kim's POV

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong flash ng camera. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at kitang kita ko ang siraulong si kendrix na kinuhanan ako ng picture. Nasa school parin kami, dito nalang namin naapag desisyunan na pag usapan yung gagawin namin para sa roleplay. Wala yung iba dahil bibili raw sila sa labas, kaming dalawa lang ang naiwan dito kasama ang mga bag nila.

"Hoy! Burahin mo 'yan! Marami ka ng atraso sakin, ah!" Sabi ko at pilit na inaagaw 'yung cellphone niya, panigurado mukha akong ewan sa picture na 'yon! Baka naka nganga pa ako! Dapat kong mabura 'yon baka mamaya i-post niya sa fb 'yun at maging famous pa'ko. Hindi dahil sa ganda ko, kundi dahil isa na akong meme.

"Nah-ah. 'Di pwede. Maganda ka naman do'n 'wag ka ng mag alala," Sabi niya at inilagay ang cellphone niya sa bulsa niya.

"Bwisit ka talaga! Matapos niyo 'kong iumpog sa kung saan nakuha mo pa akong kuhanan ng picture." Sambit ko at pinagkruss ang braso ko at pinukol siya ng masamang titig. 

"About pala ro'n... I'm sorry... We or I didn't mean to hurt you, may masakit paba sa'yo? Kailangan mo bang dalhin sa ospital? Ano sabihin mo lang, dadalhin agad kita." Napatingin ako sa kanya dahil sa pinag sasabi niya. Bakas sa mata niya ang pag a-alala para sakin, medjo late reaction ah.

"Hindi. Baliw ka, ok lang ako. Ang OA mo naman, 'di naman gano'n kalala yung pag kakauntog ko..." Nakangiting sabi ko. "Naging weird nga lang'yung pakiramdam ko after..." Bulong ko.

"Huh, ano? Are you saying something? Ulitin mo nga, I didn't hear it cclearly." Kunot noong tanong sabi niya. Umiling ako at ngumiti.

"I'm sincerely sorry, hindi ko alam kung ako o 'yung gagong Syd na 'yun ang naka tulak sa'yo. But still, I'm so, so, sorry. Anong p'wede kong gawin pambawi sa'yo? Anything, I'll do it." Bakas ang sinseridad sa mata at tono ng boses niya. Medjo tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya pero napangiti ako, maliban kasi kay Joshua wala ng ibang lalakeng nag effort ng ganito para lang mag kaayos kami, nakakatuwa. E for effort.

"Ano kaba, 'wag na baliw ka. Ok na 'yun nag sorry ka sakin. Masaya na'ko ro'n." Naka ngiting sabi ko.

"No. I insist, tell me," Pag pupumilit pa niya.

Ano ba'ng pwede kong ipagawa sa kanya? Wala naman akong maisip. Hindi naman kasi ako gano'n kahirap suyuin pag nag sorry na ok na'ko ro'n. Pero dahil makulit 'tong taong 'to pag bibigyan ko na. Napangiti ako ng may maisip akong kalokohan, sige... I insist pala, ah... Lagot ka sakin, hahaha.

"So... Ano? May naisip kana?" Tanong niya, tumango ako bilang sagot. "Tell me, then." Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Inilagay ko ang hintuturo ko sa noo niya at inilayo ang mukha niya sa mukha ko. "Lumayo ka, masyado kang malapit." Sabi ko at binawi ang daliri ko. He bites his lower lip and release a low chuckle. Napa irap naman ako, gusto niya talaga akong iniinis.

"Ano nga 'yung naisip mong gagawin ko?" Sabi niya halatang excited. Aba... Excited ka pa talaga, ah.

"Naalala mo si Becky?" Tanong ko.

"Becky? Becky Bonifacio? The nerdy girl who has a crush on me for years now?" Naka ngiwing tanong niya ng maalala.

"Yup!" Sabi ko, popping the lertter 'p' sabay tumango tango at naka ngiti ng malaki.

"What's with that smile and look? And what about her?" Kunot noong tanong niya, hindi maintindihan bakit biglang napasok sa usapan ang babae. 

"Next week na ang birthday niya and..." Sinadya ko siyang bitinin para intense. Natawa ako ng bahagya. 

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now