Chapter 15

13 3 0
                                    

Enjoy reading! 💙

Weird feeling

Kim's POV

"Mamaya maya ay magigising na rin siya, hintayin mo na lang." Narinig kong tinig ng isang babae. 

"Sige, hihintayin ko na lang salamat." Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni josh.

Narinig ko ang pag bukas at pag sara ng pinto, dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Unang kong nakita ay ang puting kisame at amoy vicks din, bakit ako nasa clinic? Uupo sana ako ng biglang umikot ang paningin ko.

"Shocks! Ano sakit ng ulo ko. Argh!" Ramdam kong parang may pumiga sa ulo ko.

"Gising kana pala, ayos ka lang? Anong masakit? Anong nararamdaman mo?" Sunod-sunod na tanong ni josh, kitang kita ko sa mata niya ang labis na pag aalala. Agad na kumunot ang noo ko, ano'ng ginagawa niya rito?

"M-medjo nahihilo lang ako. But i'm ok, bakit andito? Tapos na ba exam mo?" Naka kunot noong tanong ko sa kaniya. Nag paalalay ako sa kaniya na uupo ako, agad naman niya akong inalalayan.

"Hindi pa, but nag paalam naman ako na nag karoon ng emergency. Hahabol nalang ako bukas. Sigurado ka?" Tanong niya, tumango lang ako bilang sagot. Sinundan ko ng tingin ang papalayong si josh, lumapit siya sa water dispenser. Nang makabalik ay inabot niya sakin ang maligamgam na tubig, tinanggap ko 'yon at inubos.

"Salamat." Naka ngiting sabi ko at inilapag ang baso sa malapit na lamesa.

"Ano ba kasing ginawa mo at nauntog 'yang ulo mo, Ha? Ikaw talaga apaka hilig mo sa gulo, ano?" Bakas sa boses niya ang pag kainis pero kitang kita sa mata niya ang pag aalala.

"Hindi naman kasi ako nakipag away." Nakasimangot sa depensa sa sarili ko. "Bigla nalang silang nag suntukan sa harap ko." Dag-dag ko pa.

"Oh, kung hindi ikaw ang nag simula, bakit ka nadamay?" Mas lalong sumama ang tingin niya sakin na parang may ginawa akong malaking kasalanan dahil sa tingin niya.

"Kasi ako ang umaawat sa kanila-"

"BAKIT. WALA KA BANG IBANG KA-KLASE NA PWEDENG UMAWAT?! TIGNAN MO ANG NANGYARI SA'YO!" Nagulat ako sa bigla niyang pag sigaw, iba rin ang expression ng mukha niya.

Problema nito?

"Meron, pero nag pus-" Napaigtad ako sa gulat ng bigla niyang putulin ang sasabihin ko.

"ANO?!" Halata sa boses niya ang pagka irita.

"Huwag ka ngang sumigaw!" Inis na sabi ko at sinabayan ang tingin niya. Hindi ko mapigilang imapkita ang inis ko sa kaniya, bakit parang nag bago na siya? Dati ay lagi siyang kalmado sa'kin at kahit kailan ay hindi niya ako pinag taasan ng boses. Pero nitong mga nakaraan ay napapadalas iyon. I scoffed, baka nakaklimutan niyang marami siyang itinatago sa'kin. Ako nga dapat ang galit at nag tataas ng boses. 

"Ayos lang naman ako, eh! Huwag mo na akong pag aksayahan pa ng oras pumasok, kana sa klase mo. Hindi kita kailangan at ang pag aalala mo." Madiing sabi ko, ngunit naka ramdam ako ng kirot dahil sa huling walong salitang binitawan ko. Pinipigilan ko ang galit ko dahil alam kong sa oras na mapuno ako ng tuluyan ay baka may masabi akong hindi dapat sabihin. 

Nakita ko ang pag kabigla sa mukha niya dahil sa sinabi ko, agad iyong napalitan ng sakit. "Ayos? Tignan mo nga ang itsura mo. A-at anong pinag sasabi mong hindi mo ako kailangan? I'm your best friend. You need me and I need you." Bakas mukha niya ang sakit, hindi parin maka paniwala na nagawa ko iyong sabihin. 

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now