Chapter 8

24 7 0
                                    

Enjoy reading!

A/N: Sorry for typo and grammatical errors.

CXMV

Kim's POV

Malakas na pag ulan, madulas na daan, mahamog, at madillim.

"I told you she's just my friend!" Sigaw ng isang lalake. Agad akong tumigin sa harap, malabo ito pero may naaaninag akong dalawang tao sa harap ko.

"Just a friend?! May mag kaibigan bang nag hahalikan?!" Boses iyon ng isang babae. Nilibot ko ang paningin ko, may nakita akong isang lalake sa tabi ko. Na parang inaawat ang nag aaway di ko marinig ang sinasabi niya kahit katabi ko lamang siya.

Lumingon siya sakin, pilit kong inaninag ang mukha niya pero sobrang labo. Napansin ko ang malakas na ilaw na nag mumula sa harap, agad akong lumingon

"AAAHHH!!" Kasabay ng sigaw na iyon ay ang pag pagaspas ng ulan at dumilim ang buong paligid.

"KIM... Kim... Kim gising binabangungot ka." Dinig kong gising sakin ng kung sino.

Minulat ko ang aking mata, tinignan ko kung sino ang gumising sakin. Pero agad kong iniiwas ko ang tingin ko at parang gusto kong matulog ulit, nilibot ko ang paningin ko, puti ang kisame, puting kurtina, amoy gamot. Kumunot ang noo ko, wala ako sa bahay nasa...

"Nasa ospital ka, dinala kita dito nung makita kita s-sa b-bayan." Sabi niya ng mapansing kumunot ang noo ko.

"Anong ginagawa ko dito? Bakit ako naandito?" Malamig na tugon ko, hindi ko siya nilingon.

"Nag karoon ka ng mataas na lagnat..." Dahil hinintay kita. Kahit naulanan na'ko. "...Bakit kaba kase nasa ulanan? Alam mo naman na madali kang nagkakasakit pag naulanan e." Nag aalalang tanong niya. Hindi ko siya pinansin, sinubukan kong umupo pero nawalan ako ng balanse dahil nahihilo pa rin ako. 

"Kim... Mag ingat ka naman, hindi mo pa kaya e. Humiga ka lang diyan." Inalalayan niya kong humiga pero binawi ko agad ang braso ko.

"Bitawan mo'ko. Kaya ko sarili ko." Agad kong hinila ang braso ko at tumayo. Humawak ako sa dextrose stand para kumuha ng supporta. Kahit nahihilo ako ay pinilit kong mag lakas para makapunta sa mini garden. 

Sariwang hangin ang bumungad sakin, hindi pa gaanong ka init sa tingin ko alasyete pa lang ng umaga. Nag lakad ako papunta sa isang bench kung saan may mga bulaklak. Payapa akong nag mumuni muni nang biglang may mag salita mula sa likod ko.

"You're awake already?" Wika ng kung sino.

Lumingon ako para tignan kung sino ang nag salita. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko nanaman siya...

"I-ikaw! I-ikaw! Bakit ka nandito?!" Napatayo ako sa gulat na nandito pa rin si kuyangfeelingnasameninblack. Hindi na siya anaka tuxedo ngayon, naka suot siya ng simpleng t-short at msaong na pantalon.

Ang fresh niyang tignan, grabe.

Hindi siya nag salita, naka poker face lang siya at nakakunot ang noo.

"ANO NAPIPI KANA?! MAG SALITA KA!" Sigaw ko habang naka turo sa kanya.

"Ahh. You're really loud." Sabi niya at nag takip pa ng tenga.

Aba't... Sira ulong to.

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now