Chapter 3

64 14 3
                                    

Enjoy reading!

A/N: Sorry sa wrong grammar and typo.

Madman

Kim's POV

Sunday na ngayon, ngayong araw na rin ang libing ni itay. Nag aaayos na'ko ng sarili ko dahil ang sabi ni inay kagabi ay ngayon daw darating ang iba pang kamag-anak ni itay na bi-bisita para sa huling araw ng burol nya. Nang matapos ako ay lumabas na agad ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para mag agahan.

"Oh ki-kim gising kana pala.Good morning, tara kain ka" Si josh ang unang nadatnan ko sa kusina namin, kumakain.

Ang kapal talaga mag alok ng lalaking 'to akala kaniya yung bahay.

Nginitian ko sya, at na-upo sa tapat nya. "Wala ng good sa morning. Kase mukha mo bumungad sakin." Inis na sabi ko sa kanya at kumuha ng tinapay. "T'yaka bakit ang aga-aga andito ka sa bahay namin? Mamaya pa ang libing ah? Nasan si nanay?" Tanong ko at sumubo ng tinapay.

Tumingin naman sya sakin "Shi shisha anchun sha labash kashama yung mga kamag-anak nyo.Kaya acho anchito kashe shabi ni shisha punchan chaw kchita chita kashe baka chaw umiyak ka na-naman" Sagot niya ng may laman ang bibig. Tumatalsik pa yung iba sa'kin.

Kadiri naman 'tong taong 'to.

"Lunukin mo nga muna yang pag-kain mo sa bibig wala akong maintindihan sa mga sinabi mo e" Sabi ko at inirapan siya, pinunasan ko ang tumalsik na laway sakin may kasama pang tinapay. Sinubo ko na ang natitirang tinapay sa kamay ko at uminom ng gatas na nakahain na.

Nilunok nyia ang nasa bibig bago mag salita ulet. "Sabi ko si tita andun sa labas kasama yung mga kamag-anak n'yo. Kaya ako andito kase sabi ni tita puntahan daw kita kase raw baka mamaya umiyak ka nanaman." Ulit nya sa  mga sinasabi niya kanina.

Inirapan ko siya at 'di na sumagot, nag tuloy-tuloy lang kami sa pagkain hanggang maubos namin ang pag kain. Tumayo na'ko para pag sipilyo.

"Ki-kim! Tara na! Napaka bagal." Sigaw ni josh.

"Sandale lang mag hintay ka!" Inis na sigaw ko.

Madaling-madali.

Nang matapos akong mag ayos ay nag-lakad na'ko palabas ng bahay at natanaw ko si josh na may kausap na magandang babae. Na sa tingin ko ay kasing edad lang namin. Di kona sila nilapitan dahil busy sila sa paghohontahan. Hinanap ko si inay nakita ko siyang may kausap na lalake na sa tingin ko ay nasa mid 40's na. Hinintay ko muna silang matapos bago ako lumapit.

"Morning nay!" Bati ko kay inay at humalik sa pisngi nya. Ngumiti naman siya at bumati pabalik.

"Kim, nakita mo naba ang mga pinsan mo? Binati mo na ba sila?" Tanong ni inay. Bahagya akong umiling bago ngumiti ng alanganin

"Hindi pa po eh." Sagot ko at kumamot ng batok.

"Halika sumama ka sakin." Sabi ni inay sabay hatak.

Ay wow sapilitan. Walang freedom na pumili? Char.

Sumunod na lang ako sa pag hatak niya, ano pa nga ba. Baka mamaya pag 'di ako sumama mayayare niya ko. Pinakilala ako ni inay sa mga kamag-anak ni itay at sa mga kung sino sino pa.

"Kim sila naman sila tito julz mo at tita ane mo." Pag papakilala ni inay sa mag asawang mga nasa 50's na.

Ngumiti ako ng pilit."Hi." Bored na bati ko sa kanila. Napahawak ako sa tagiliran ko ng kurutin ako ni inay.

"Isa KIM DIANE! Umayos ka ha! Malilintikan ka talaga sakin." Banta ni inay sakin. Sinimangot ako bago umirap ng palihim.

Tsk asar naman kase, napapagod na'ko makipag meet and greet sa kanila. P'wede ba mag take ng break? Nauubos na social battery life ko, wow. 

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now