Chapter Forty One.

52.1K 1.4K 116
                                    

Kyoya's POV

Three more days to go, at kating kati na akong lumabas. I know, marami kaming nalabag na rules. Pero wala na rin muna akong pake. Alam kong alam na din ni sir Arashi ang nangyari kay Yuna dahil sa monitor na nakakonekta sa office nya. Hindi na siguro kami mahihirapang magpaliwanag.

The problem is, paano kami makakapasok ng chitaen palace nang walang nakakakita saamin? Ang sagot: Bahala na.

Tumigil na uli kami ng paglalakad nang sinabi ko na safe sa lugar na ito. Ang totoo hindi ko alam kung safe nga, pero alam kong pagod na sila at hindi naman siguro masamang magpahinga muna kami.

'Kyoya.' Sumakit ang ulo ko. She's talking to me again. Mukhang mangangamusta.

'Mom.' I answered.

'How are you? Ayos ka lang ba?' Gaya nga ng inaasahan ko.

'Okay lang po ako. I guess.'

'Huh? Anong you guess? Hindi mo sure kung okay ka?' Aish. Hindi nya talaga magets. Lagi akong hindi okay kapag kinakausap nya ako gamit ang utak.

"Kyoya, ayos ka lang?" Tanong ni Misaka.

"Yea. I'm fine." Sagot ko habang tumatango-tango pa.

Bumalik ang isip ko kay mama. 'How can I be fine mom? Sumasakit kaya lagi ang ulo ko everytime you use telepathy over me.' I sighed. Napapaenglish talaga ako kapag ganito.

'Yea right. Nangangamusta lang naman ako. Since hindi mo naman ako kinakamusta, ako na lang yung magsasabi sayo. We're not fine Kyoya. We're being captured by now. Nakaligtas ang kapatid mo, and I want you to find him. Please...' Mabilis akong nanlumo. Parang nawala yung sakit ng ulo ko at parang mas nangibabaw yung pangamba.

'What? Nagjojoke ka ba ma? Hindi magandang biro.'

'I'm dead serious.' Napansin ko nga. Actually kanina ko pa napapansin na parang iba makipag-usap si mama ngayon.

'Bakit hindi kayo lumalaban? Where's dad?'

'He's unconcious. Hindi kami nakalaban they're too many to handle, at telepathy lang naman ang kaya kong gawin kaya paano ako makakalaban sa kanila? But Kyoya, please find Aki. Please find your baby brother. Buti na lang umalis sya ng bahay kanina. Pero tingin ko bumalik na sya ngayon. Hindi ko alam yung gagawin ko, hindi ko sya makausap dahil hindi naman gumagana sa kanya yung telepathy ko. Please find him oras na makalabas ka ng jungle.' I sighed. Nanginginig ako sa inis.

'Who captured you?' I asked.

'Chitaens.' Tang*na! Una buong pamilya ni Misaka, ngayon naman pamilya ko? Sino pang isusunod nila?

Pinipigilan kong magalit ng husto, dahil yumayanig yung lupa kapag nagagalit ako. Nadagdagan na naman kami ng problema. Pupunta kami ng chitaen palace pero kailangan muna naming mahanap si Aki.

'I'll find Aki, oras na makalabas ako dito. I promise.'

'Thank you. Mom loves you always remember that.'

'I love you din mama.'

After that wala nang sumunod na convos, bakit ganoon ang naging huling sinabi sa akin ni mama? Bakit parang namamaalam sya?

I erased the thoughts. Hah! Namamaalam sya kasi tapos na kaming mag-usap hindi dahil... Ugh, ayokong maging negative thinker sa mga oras na 'to.

"Anong nangyari sayo?" Tanong agad ni Kana.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon