Chapter Fifty Nine.

47K 1.2K 60
                                    

HAPPY FATHER'S DAY TO ALL THE TATAYS, PAPAS, DADDIES ETC. ^____^

Sa mga nazis jan, aware ako na madaming grammatical errors pakitama nalang dahil wala akong time mag-edit.

Kana's POV

Tama ba na dumaan kami dito? Bakit kakaiba yung nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko may masamang mangyayari? Anong nag-aabang sa amin oras na mabuksan na yung gate? Mabigat sa pakiramdam, yung parang hindi ka kumportable at parang pinagsisisihan mo ang naging desisyon mo. Yun, yun ang eksaktong nararamdaman ko ngayon.

"Sarado ang gate." Bulalas ni Katsumi na nasa harapan na ngayon kasama si Ken.

Kulang sa hangin ang lugar. Maski ako ay hindi makapagsupply ng sapat na hangin para sa pag hinga namin. Kahit ako nahihirapan ding huminga. Mainit, madilim, masikip... Mukhang kung magtatagal pa kami dito ay katawan na namin mismo ang kusang bibigay. Nakadagdag pa sa katagalan namin ay ang saradong gate.

"Wala ka bang alam na susi para mabuksan yang gate Sasuke?" Tanong ni sir Mamoru na halatang nahihirapan na ring huminga.

"Wala... Ang alam ko, may binabanggit si Akumang mga numbers para mabuksan itong gate. Password." Nakita kong lumapit si Sasuke sa gate at hinaplos iyon. "At hindi ko maalala kung anu-ano at kung ano ang pagkasunod-sunod ng mga numerong 'yon..."

Napailing ako. Paano namin mabubuksan ang gate na ito ngayon? Maski si Sasuke na inaasahan namin sa pagpasok ay hindi matandaan kung ano ang dapat sabihin sa harap ng gate.

Hindi na kami pwedeng bumalik pa. Isang kilometro ang lalakarin upang makabalik, at ngayon pa lang ay kapos na kami sa hangin.

Huminga ako ng malalim pero kulang pa din. Hindi pa kami nag-uumpisa pero dito na ba ang katapusan namin? Napatingin ako kay Misaka na binuksan ang tablet nya... Lumiwanag ang paligid.

Mukhang may binsabasa sya dahil mataman syang nakatutok sa tablet nya. Maya-maya ay biglang nanlaki ang mata nya at mas lalo pang napatutok sa screen ng tablet nya.

"1 kilometer walking distance... 2nd gate..." Pagsasalita ni Misaka, lahat kami ay nakatutok sa kanya na parang nag-aabang ng tamang sagot. Sagot upang mabuksan ang gate...

Ano nga bang nag-aabang sa amin sa loob ng gate na ito?

"2,0." Patuloy ni Sasuke sa sinasabi ni Misaka. "Tama... one, two, two, zero." Pagbanggit ni Sasuke sa mga numero sa harap ng gate. Tiningnan naman namin ang gate.

Walang nangyayari.

May mali sa binanggit ni Sasuke.

"It should be one, two, two, zero." Bulong ni Sasuke. "Hindi pwedeng mali." Dagdag nya pa.

"One, two, two, zero?" Mahinang sabi ko. Mukhang hindi nila narinig. Tumayo ako at lumapit sa gate.

Hinaplos ko yung parte na katabi ng hinaplos ni Sasuke kanina hanggang sa may nakapa ako...

"Ilaw..." Bulong ko pero mukhang narinig naman ni Ken dahil bigla syang nagsindi ng apoy sa kamay nya.

Tinignan ko ng maigi yung nakapa ko. Maliit lang at hindi talaga mapapansin kapag dinaanan lang ng mata. It was inverted...

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon