Chapter Forty Five.

48.5K 1.3K 110
                                    

Oha? Sabi senyo mag-aupdate na ako e. Haha.

Kyoya's POV

"Panong wala?" Napatingin ako kay Sasuke nang magtaas sya ng boses kay Misaka.

"Hindi ko nga alam, nagising na lang ako wala na si Kana sa higaan nya." Sagot ni Misaka sa mataas na ring boses.

Dapat bang itineleport ko sya? Bakit pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanya? Ako lang ang nakakaalam ng pag-alis nya. Kinusinte ko sya at ngayon kinakain ako ng kosensya ko. Lalo na't pati ang iba naming kasamahan ay nag-aalala sa kanya. Pero, nangako sya, nakangako si Kana na babalik sa lalong madaling panahon.

"Itigil nyo nga yan." Sita ni Ken sa dalawa nina Misaka at Sasuke. "Ikaw Kyoya, may alam ka ba dito?" Napalunok ako nang bumaling si Ken sa akin.

Naramdaman kong may pumatak na pawis sa akin mula sa noo ko. Kahit hindi mukhang galit si Ken, alam ko, masasabi ko na nagpipigil lang sya ng galit. Pero anong mapapala ko kung hindi ako aamin sa kanila? Wala naman, at isa pa malalaman din naman nila kapag nagtagal... Si Ken pa.

"I teleported her." Mahina kong sagot. Naramdaman ko namang napatingin silang tatlo ng mataman sa akin kahit na nakayuko ako. Para akong nasasakdal sa lagay na 'to. "I helped her. Gusto nya raw makita kung okay ba ang mga magulang nya." Deretso kong sabi. 'Yan naman kasi talaga ang ipinagpaalam nya sa akin diba?

"You allowed her? Pumayag ka Kyoya? Hindi mo ba alam na delikado?" Napataas na rin ng boses si Ken. Hindi na ako nagulat, kasalanan ko naman kasi talaga.

"Yes I allowed her. I'm sorry." Napabuntong hininga ako.

"Now you're sorry. Mabubura ba ng sorry mo ang fact na pinalapit mo si Kana sa peligro?" First time to. First time ni Ken na mag-alala ng ganito. "Sh*t Kyoya, look at what you've done. This is your fault." Tama ka kasalanan ko nga.

"Alam mo ba kung bakit ako pumayag na tulungan sya ha Ken?" Napatingin ako sa kanila. "Dahil pamilya nya yung pinag-uusapan. Kitang-kita ko sa kanya kanina na gustong-gusto nyang makita ang mga magulang nya, gusto nyang makatulong sa pamilya nya. At hindi ko yun pwedeng ipagkait sa kanya. Hindi ko pwedeng ipagkait kay Kana yung bagay na hindi ko nagawa sa mga magulang at kapatid ko." Tama yan yung naisip ko kanina. Si Kana pupunta sya sa pamilya nya para makatulong, samantalang ako? Anong nagawa ko para sa pamilya ko bago sila kunin ng mga chitaens? Isang malaking WALA.

"Siguro nga tama ka, pero paano kung wala na yung mga magulang nya 'don? Paano kapag naabutan sya ng mga chitaens 'don? Minsan Kyoya, wag mo munang pakinggan yang sinasabi ng puso mo. Mag-isip ka muna, isipin mo yung mga pwedeng mangyari." Yan ang huling sinabi ni Ken at umalis na. Tama sya, sa sobrang buti ng puso ko, hindi ko gaanong nabibigyan ang utak ko ng oras para mag-isip.

Nakakapagdesisyon ako ng mga bagay na pwede kong pagsisihan sa huli at ito na nga pinagsisisihan kong pinyagan ko si Kana.

'Kana, nangako ka, babalik ka.'

Nakita kong lumabas na rin ng chosen room sina Misaka. Disappointed, nakikita kong nadisappoint sila sa akin. Peste.

Bahala na! Tutal kasalanan ko ako ang dapat na umayos.

Ken's POV

Hindi ako makaisip ng magandang idea sa mga oras na 'to. Masyado na akong madaming iniisip. Masyado na akong maraming problema na dapat solusyunan dumagdag pa sina Kana at Kyoya.

Kaninang umaga dumating sina Sabrina. Akala ko magandang balita ang hatid nila pero nagkamali ako. Hindi lang pala Himitsu ang tinatarget ng mga Chitaens kundi maging ang mga Ragi na rin. Dumagdag pa sa problema ang sinabi ni mama na nagjoin force na rin daw ang Chitaen at Junju tribes. Peste.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon