Chapter Fifty Six.

55K 1.4K 220
                                    

Hi, gusto ko lang i-clear. Wala po akong sinabi na ipopost ko na yung epilouge. Pagbalik ko pa yung epilouge mga June pa yun kasabay ng ibang chapters. So yun lang hehehehe matagal pa yun. Pero kung gusto nyo sa June, (hal. June 15.) ipopost ko yung mga chapters hanggang 65 tapos next day, (June 16.) ko na ipopost yung epilouge. Hahahaha ayaw nyo ata ng magkasaba e e. Gusto nyo laging bitin e. XD Chos!


Yun lang.




Kana's POV






Nagising ako na wala pa rin si Misaka sa dorm. Teka, alas dos na ah? Bakit parang ang tagal nya? May iba pa ba silang pinag-usapan bukod sa sinabi ni sir Arashi kanina? Bakit hindi nila ako sinabihan? Edi sana hindi ako natulog diba?

Bumangon ako at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng isang basong tubig at lumabas na ng dorm matapos uminom. No sign of Misaka talaga kahit sa hallway. Parang ang tahimik din. Usually kasi kapag ganitong oras, tanghali nagkalat yung ibang studyante sa labas ng dorm nila. Pero ngayon wala ring tao.




Nakakapagtaka ah?




Paglabas ko ng girl's dormitory doon ko napagtanto na nagtitipon tipon pala sa quadrangle halos lahat ng mga estudyante. Pati na rin yung ilang mga Ragi ay nandoon.




Mabilis akong tumakbo at hinanap ang mga kasama ko. Sobrang daming estudyante kaya nahihirapan din akong mahanap sila. Maingay din dahil may kanya kanyang usapan ang lahat. Tipon tipon lang pero wala namang nag-aannounce.




"Uy! Sinong hinahanap mo?" Napalingon ako nang may humawak sa balikat ko.




Si Hiro pala.




"Hmm, sina Ken, nakita mo ba sila?" Tanong ko sa kanya. Agad naman syang tumango. "Saan sila nakapwesto?" Tanong ko.




"Wala sila dito. Mga normal mitsu lang at yung ibang mga ragi ang nandito. Ang alam ko nasa training building sila ngayon." Tumango tango ako at umakma nang aalis. "Bakit ka nandito? Bakit di mo sila kasama?" Tanong nya pa kaya tumigil ako.




"Nakatulog ako e. Salamat sa info huh?" Tumango sa sabay ngumiti.




Tumakbo na ulit ako deretcho papunta sa training bldg. Hindi naman yun kalayuan. Isa syang malaking building na gawa sa matibay at makapal na bakal. Ang sabi sa akin, iyon daw ang pinakamatibay na building sa buong Himitsu Academy, dahil sa ibang klaseng bakal gawa yung buong building, plus yung first metal controller daw ang bumuo ng buong building. First time ko yatang papasok doon. Hindi ko pa alam kung ano ang makikita ko sa loob pero sure ako na isa lang namang malaking battle arena ang nandoon.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon