Chapter Sixty Eight

49.5K 1.3K 316
                                    

HELLO MGA MAGAGANDA AT MGA GWAPONG NILALANG NA GISING PA NGAYONG GABI! HAHAHAHA ETO NA YUNG NIREREQUEST NYONG UPDATE. NAWAY TAMAAN KAYO NG KILIG KAHIT WALA NAMAN TALAGANG KAKILIG KILIG. NAKAKAINIS LANG TALAGA SI KANA. HAHAHA

ANYWAYS, KAMUSTA ANG BAKASYON? RAMDAM NA BA ANG INIT NGAYONG TAG-ARAW? LOL. NGA PALA HAPPY 1 MILLION READS SA ATIN! HUHUHU WE MADE IT. SALAMAT SA INYONG LAHAT MAGPAPAPIGING NA AKO. CHOS LANG. 

SO YUN LANG.  DUMALDAL NANAMAN YUNG DALIRI KO. CHARENG. GO BASA BASA NA <3 


Kana's POV


Kakalabas ko lang ng clinic ni ma'am Michiko. Siguro mga limang oras na rin matapos akong magising. At nawiweirdo-han ako kay Misaka ngayon. Todo kasi sya kung makangiti at kung makailing-iling. Pasulyap sulyap din sya sa akin at kung hindi ko pa sya nakilala ng matagal na panahon, iisipin ko na natotomboy sya sa akin.

Umupo ako sa kama ko at nakipagtitigan sa kanya.

"Alam mo Misaka, ang scary ng mga tingin mo ha." Puna ko. Paano ba naman kasi, hindi naman sya ganito noong nakaraang araw bago kami pumunta ng chitaen palace.

Nginitian nya ulit ako bago sya sumagot. "Hindi lang ako makapaniwala." Sagot nya. Napakunot naman ako ng noo.

"Makapaniwala saan?" Tanong ko.

"Sa nakikita ko ngayon." Tinignan nya ang mga palad nya. "Akala ko kasi hindi ka na babalik, akala ko hindi ka na namin makakasama ulit." Bumuntong hininga sya. "Nagdrama drama pa ako dito kagabi kasi wala na akong kasama sa loob ng kwarto. Tapos nagulat ako nung first time kong nakitang umiyak si Sasuke." Tumingin sya sa akin. "Feeling ko kasi sya yung tipo na hindi madaling umiyak. Akala ko kasing lamig ng powers nya yung puso nya pero hindi pala."

Tinitignan ko lang sya habang kinukwento nya ang mga nangyari noong akala nilang patay na ako. Madami-dami din pala akong pinaiyak.

"At si Kyoya, akala ko hindi sya iiyak kasi tahimik lang sya sa isang sulok tapos bigla ko nalang naabutan na sinisigawan nya si Izumi. Pareho silang umiiyak non, pero mas naawa ako kay Izumi. You're all that she's got. Tinuturing ka nyang higit pa sa kaibigan, nakita ko yun sa mga mata nya at kung paano sya kumilos kahapon. Kapatid na ang turing nya sayo." Napangiti sya sa mga naaalala nya.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon