Chapter Thirty Nine.

55.3K 1.5K 215
                                    

Bigyan nyo naman ako ng madaming chocolate! Jk. May ma-intro lang talaga ako. Eto na! Wala ako masabi e.

First time ko maglagay ng picture! Ayon yung tatlo, sina Yuna, Kana pati Misaka. Alam nyo naman ako ayoko ng nahihirapan kayong mag-isip ng mga itsura nila hahaha. Next chap yung tatlong boys naman.

Qtqt ni Kana!

Medyo happy happy din 'tong chapter na 'to. Natatawa ko nung sinulat ko to e. Hahaha.

Ken's POV

Hindi ko inaakalang masasabi ko yun lahat sa kanila, yung tungkol sa amin ni Sab. Buti na lang hindi na sila nagtanong ng mas madami pa dahil wala akong panahon na ikwento pa sa kanila ang lahat sa mga oras na 'to. Kailangan na naming makita sina Misaka. Pero nagulat talaga ako nung sumulpot sa harapan namin sina Sab, akala ko kung ano na sila lang pala.

I admit, natulungan nila kami ng madami. Siguro kung hindi sila dumating baka sobrang layo pa rin namin sa kinaroroonan nina Misaka.

Sunod lang kami ng sunod sa sinasabi ni Kyoya dahil sa mga oras na 'to sa kanya mas magandang ipagkatiwala ang kaligtasan namin. Mas alam nya ang dapat na gawin.

'Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhh'

Nagkatinginan kaming tatlo sa narinig namin. Hindi na iyon kalayuan sa kinapupwestuhan namin, mga kaunting lakad na lang ay naroon na kami. Sina Misaka 'yon kung hindi ako nagkakamali, boses nila 'yon.

"Tara, bilisan natin." Sabi ni Kyoya.

Binilisan namin ang lakad pero maingat pa din kami. Hindi naman na sila malayo sa amin.

Linga lang ako ng linga sa paligid dahil baka naroon lang sila.

"Ay kalabaw!" Napatingin ako kay Kana at napakunot ang noo. Nakatingin sya sa isang butas. "Yung sapatos ko! Wait lang!" Sabi nya pa. May kung ano syang ginawa at maya maya nakita ko na lang na lumulutang yung sapatos nya. "Tara na."

Hmm, butas? Posible bang nahulog sa butas yung dalawa ni Misaka? Hindi imposible. Kung yung sapatos nga ni Kana nahulog e.

"Wait Kyoya, tignan tignan natin yung lupa, baka may makita tayong butas." Tumango naman si Kyoya at naglakad na ulit.

'Araaaay! Araaay ko...'

'Aish, tumahimik ka naman! Lalong sasakit yan.'

'Oo na palibhasa hindi ikaw yung nagalusan.'

"Naririnig nyo yun?" Tanong ko sa kanila. Nagsitanguan naman silang dalawa.

"Doon banda." Turo ni Kana, doon ko rin naririnig yung mga boses.

Nilapitan namin yung itinuro ni Kana hanggang sa makakita kami ng butas.

'Tss, o! Lagay mo sa bukol mo.' Halatang si Sasuke 'tong isang 'to.

'Ano yan?'

'Tubig yan, kita mong matigas malamang yelo yan!'

Napangiti na lang ako. Kelan pa sila naging close?

Dumungaw kaming tatlo sa butas at doon na nga namin sila nakita. Para silang canned sardines sa loob ng butas, siksikan.

'Tss, pilosopo.'

'Pabobo effect ka kasi, alam mo namang yelo e.'

Narinig ko si Kana na napahagikhik sa tabi ko. Napatingala tuloy yung dalawa at nakita kaming tatlo.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon