Chapter Sixteen.

68.5K 2.1K 128
                                    

Ken's POV




Kumilos na ako kaagad habang pinagtatalunan pa nila yung pagkuha ni Kana sa flag. Isa pa gusto naming manalo dahil sa prize. Hindi namin alam kung ano yung prize pero may kutob kami na makakatulong yun sa pag-improve ng powers namin.




"Ken bilisan mo naman!" Narinig kong sigaw ni Kyoya sa akin. Aba! Kung sya kaya yung kumuha! Ang taas taas ng flag e! Hindi pa ako makalipad ng maayos kasi mahangin humihina yung apoy ko. Tingin ko may kinalaman na agad yung kapangyarihan ni Kana kahit wala pa syang ginagawa.




"Binibilisan na nga diba!" Sigaw ko pabalik.




Tumingin ako sa lokasyon nina Kana at parang handa na syang kunin yung flag. Napadako yung mata ko kay Yuna na magbabato ng water ball sa apoy na nakakonekta sa mga paa ko. Agad kong iniwasan yung atake nya at nakita ko si Sasuke na hinaharap na yung atake ni Yuna.




Nagtuloy-tuloy ako sa paglipad papunta sa flag, konti na lang maaabot ko na... Kaso biglang humina ang apoy sa paa ko at hindi na yon sapat para buhatin ang bigat ko. Pababa ako ng pababa at naroon si Kana na naghihintay sa pagbaba ko.




"Hah, akala mo makukuha mo na ano? Mauuna na ako ha? Toodles!" Sabi nya at bigla na lang syang lumipad na akala mo minamagnet ng langit yung katawan nya.




Si Kana ba talaga yan? Bakit ganon nya kabilis makontrol yung kapangyarihan nya? To think na nung isang araw nya lang yun na-discover. At ako inabot ako ng isang taon para lang matutong lumipad! Hindi pwede 'to!




Minotivate ko na ulit yung sarili ko at naramdaman kong nag-init nanaman ang paanan ko na naging dahilan ng paglutang ko. Naghagis ako ng fire balls sa direksyon ni Kana nang hindi nya namamalayan. Kaya natamaan yung balikat nya, nakita ko ang bahagya nyang pagngiwi at lumingon sya sa akin.




"That... that's unfair! Bakit ka nanghahagis nyan?" Sigaw nya habang pababa sya ng pababa mula sa pagkalutang nya kanina.




"Remember, powers are ALLOWED. So toodles." Sabi ko at ginaya ko pa yung pag-toodles nya kanina.




"ARGH! Kainis! Hindi mo makukuha yan!" Pagkasabi nya nun bigla na lang akong nahulog sa lupa. Nauna ang pwet ko kaya ang sakit talaga!

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon