Chapter Twelve.

74.3K 2.2K 169
                                    

Sorry natagalan yung UD guys nag INTRAMS kasi kami e xD so ito na HAHAHAHA

ENJOY (c)





Yuna's POV





Natutok lang yung atensyon namin kay Kana nung nilamon sya ng tinutungtungan nya. Nakalimutan namin si Sasuke, nakalimutan naming dapat din pala namin syang bantayan. Kaya naman naiinis talaga ako! Bakit ba nakalimutan naming bantayan silang pareho? Pareho silang bago dito... At yan ang kauna-unahang test nila. Kapag hindi nila nahanap yung daan palabas, habang buhay na sila sa loob.




"This can't be happening.They need to escape." Sabi ni Kyoya at napatingin ako sa kanya. Escape...




"That's it, c'mon guys." Here comes the bossy type Misaka. Pero mas gusto ko yung ganong side ni Misaka. Ibig sabihin kasi 'non seryoso sya.




Pumunta kami sa Chosen's Room may daan ba dito? Okay... Ano ba talagang plan ni Misaka?




"Stones... I need your stones." Sabi ni Misaka, nagaalangan naman naming inilabas yung stones namin.




Nung nakuha nya na yung stones namin lumapit sya sa ewan ko kung ano yun. Nagulat na lang kami nung umilaw yung stones. Tapos yung mga rays ng stones namin nagdikit-dikit hanggang sa makabuo ng hologram na puro itim naman yung nakikita.




"One time kasi nanaginip ako a really really bad dream. At mayroong ganitong bagay sa panaginip ko at super helpful sya doon kaya naisipan kong gawin 'to. It can detect someone na nawawala. It can tell din kung saan mo sila makikita. Basta mag place ka lang ng bagay na alam mong meron din sya. I never thought na gagana 'to kasi sa panaginip ko lang naman to nakita hindi tested hindi proven. Pero look it's working." Mahabang sabi ni Misaka. Working? E puro black nga yung nakikita namin!




"How can you say that its working. Look puro black o!" Reklamo ni Ken napansin nya din pala.




"It is working Ken. Nagkataon lang na yung portal na napasukan nina Kana at Sasuke is yung black dimension. That's why black din yung nakikita natin." Napatango kami sa sinabi ni Misaka. Napakatalino nya talaga, no doubt kaya sya ang inaasahan namin pag dating sa ganitong bagay.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon