Chapter Twenty Five.

61.7K 1.7K 254
                                    

Ken's POV

Napatingin ako sa pinto. May papasok.

"Okay class good morning, and I have a good news." Pumasok si sir Itchigo, hindi sya ang iniexpect kong papasok. "Teka! Kulang kayo?" Bigla nyang sabi. Si Misaka.

*Blag*

Nagulat kaming lahat sa biglang pagbukas ng pinto.

"Sorry." Si Misaka, sya talaga ang ineexpect kong papasok.

"Akala ko ba hindi ka papasok?" Biglang sabi ni Yuna. Hindi umimik si Misaka bagkus ay tiningnan nya lang si Yuna.

Si Yuna naman hindi kumukurap. Anong meron sa dalawang 'to?

Napansin ko na nag-angat ng ulo si Sasuke at nagkatinginan sila ni Yuna. Now this make sense.

"Uhm, so can I continue now?" Doon lang kami nabalik sa ulirat. "Ayon sa radar ko. The five of you have reached level 20. And I have to congratulate you Kyoya for reaching level 21." Napataas naman ang kilay ko doon. Si Kyoya? Level 21 na? How come.

"Thanks sir." Ngayon ko lang ulit narinig na nagsalita si Kyoya mula nang bumalik kami.

"So ang ibig sabihin lang nito... Ready na kayong pumasok sa Himitsu Jungle." Hindi na ako bago doon. Narinig ko na yan kay dad. My dad was once a chosen Mitsu.

Samantalang si Kana naman ay nakita kong nanlaki ang mata. Inosente talaga, kaya imposibleng maging sya ang tinutukoy na traitor. Siguro kailangan ko nang makipagkasundo sa kanya. Sya lang ang mapagkakatiwalaan ko sa ngayon, sila ni Yuna. Imposible naman kasi na si Yuna iyon dahil anak sya ni sir Arashi.

Kana's POV

Papasok na kami sa Jungle na 'yon. Natatakot ako ano ba ang meron doon? Pero naeexcite ako at the same time.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon