Epilogue

54.3K 1.2K 284
                                    

Peace po ulit tayong lahat po. (^.^)v

"Kana baby, baba na! 8:00 na oh! Kaninang 7:00 pa klase mo." Napabalikwas ako ng bangon. Parang pamilyar ang tagpong ito. Parang nanggaling na ako dito.

Nanaginip lang ba ako? Hindi ba totoo yung mga pinagdaanan ko sa Himitsu Academy? Napalunok ako at naglilinga sa paligid. Ganito. 

Ganitong-ganito ang itsura ng kwarto ko mula nang umalis ako sa bahay at pumunta sa Himitsu Academy. Panaginip lang ba talaga 'yon? Hindi bat parang napaka imposible naman yata? Pero kung hindi iyon panaginip, paano ako nakabalik dito sa bahay namin ng walang naaalala?

Sina Ken? Sina Misaka, Yuna, Kyoya? Nishi at Aki? Hindi ba sila totoo? Pero si Sasuke, alam kong totoo sya. Maaga akong pinagpapawisan dahil sa mga naiisip ko peroimposibleng hindi iyon totoo. Kung saka-sakali man na panaginip ko lang 'yon, bat parang ang haba naman yata ng tulog ko?

"Kana..." Nakarinig ako ng katok sa kwarto ko at pumasok si Mommy.

Gaya ng nasa panaginip ko, bihis na ako at naka-school uniform na, pagpasok nalang ang kulang.

Kinabahan ako nang pumasok si mommy.

"Ma? I think you owe me some explanation..." Sabi ko at napakunot ang noo nya.

"Explanation?" Tanong nya.

Tumayo ako at hinila si mommy palabas ng kwarto ko. "About Himitsu Academy..." Mahina kong sabi.

Tinignan ko ang ekspresyon ni mommy nang marinig nya ang pangalan ng Academy but she doesn't seems to care. Was it really just a dream? "As far as I know sa St. Peter Academy ka nag-aaral at hindi sa... Ano nga ulit ang tawag mo doon?" Napakamot sa kilay si moomy marahil ay na-i-stress nanaman sya sa akin.

"Nevermind ma..." Puno ng panghihinayang kong sabi. Kung hindi alam ni mommy ang tungkol sa academy, malamang sa malamang ay nananaginip nga lang ako.

Para akong robot na bumaba sa hagdanan namin, hindi ko na pinansin ang structure ng bahay namin dahil wala namang mababago kung papansinin ko iyon.

"What's with the long face, honey?" Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko si papa. Nakatingin sya sa akin at nang hindi ako sumagot ay nagsenyasan sila ni mommy.

Dumiretso ako sa dining area at kumain ng almusal ko. Lumabas sila at dumiretso sa may porch namin. Dahan-dahan pang isinarado ni papa ang pinto. Hindi ko gustong mag-eavesdrop sa kanila pero parang kailangan kong malaman ang pag-uusapan nila. Pwede naman nila 'yong pag-usapan sa harapan ko kung wala silang itinatago sa akin diba?

Sumilip ako sa may bintana namin at nakita ko sila doong matiim na nag-uusap.

"She remembers everything, Takeshi. Alam nya pa rin ang tungkol sa Academy..." Narinig kong sabi ni mommy. Kung ganon, totoo ang Himitsu, totoo sina Ken...

Ano ba ang nangyari matapos ng tagpong iyon? Nasaan sina Ken, anong nang nagyari sa kanila? Bakit nandito ako? Bakit wala ako sa Himitsu?

'Diba nasira 'yon, Kana? Baka nirerenovate...'

Kahit na!

Kahit na, hindi sapat na dahilan 'yon! Ang pino-point ko dito, bakit hindi ko na maalala ang sunod na nangyari matapos ng tagpong 'yon? Matapos mamatay ni Misaka at matapos kong yakapin sina papa.

"I don't know what to do to her anymore Kairi... Pangatlong beses na 'to, pangatlong beses nang binubura ang ala-ala nya pero balik pa rin ng balik..." Napatakip ako ng bibig para hindi ako makagawa ng ingay.

What the hell? Pangatlong beses?

Sina Ken, binura rin ba ang ala-ala nila? Nasaan sila?

Hindi ko alam ang bahay ng kahit sino man sa kanilang lima, paano ko aalamin...

"Kailangan natin syang hanapan ng ligtas na lugar, hindi na normal ang nangyayari sa anak natin..." Sabi ni mommy na parang hindi na alam ang gagawin.

"Wala nang mas safe pa na lugar para sa kanya kung hindi dito... Naiintindihan mo ba Kairi? Wala na... Wala na ang Academy kaya bukod sa bahay natin wala na..." Mahinang sabi ni papa pero rinig na rinig ko parin.

Ano bang nangyayari sa akin? Safe na lugar? Wala na ang Academy? Gusto kong magwala dahil gulong-gulo na ako pero hindi ko magawa. I have to act normal. Kunwari wala akong narinig.

Sarili ko lang ang dapat kong pagkatiwalaan sa ngayon dahil maging ang mga magulang ko ay hindi ko na alam kung dapat ko pa bang pagkatiwalaan. Masyado silang maraming inililihim sa akin sa ngayon at pumapayag silang burahin ang ala-ala ko. Kung kinakailangan kong alamin mag-isa ang nagyayari sa akin, then so be it. 

Lumabas ako ng bahay dala ang bag ko at nagkunwaring walang narinig. Kitang kita ko pa ang gulat sa mga mata nila at ang takot na baka may nalaman ako.

"May narinig ka ba anak?" Tanong ni papa kaya nginitian ko sa ng makabuluhan.

"May dapat po ba akong marinig pa?" Painosente kong sagot.

Alam kong kaya ni papa na basahin ang iniisip ko kaya nag-isip ako ng kung anu-anong bagay at mawala sa isip ko ang tungkol sa Academy at sa nainig ko kanina, nang sa gayon ay iba ang mabasa nya.

"Pasok na po ako." Sabi ko at dumiretso na sa kotse namin. Saktong naroon naman na ang driver at agad na pinatakbo ang sasakyan.

Kailangan kong mag-ingat kahit na sa mismong bahay namin.

At kung ano man ang nangyayari hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman at nalulutas ang bawat sagot sa bawat tanong ko. Kailangan ko ring mahanap sina Ken, kailangan kong malaman kung anong nangyari kay Misaka matapos 'non... May kutob akong...

May kutob akong buhay sya.

Totoo ngang nababalot ng sikreto ang Academy na 'yon, at hindi ako titigil hanggat wala akong nakukuhang sagot.

If this means another adventure, well I can honestly say...

I am ready for that another adventure.

__

So this is it! Finally tapos na ang book 1 as you can see guys, hindi talaga ito epilogue. Pwede kayong makakuha ng hints dito kung anong mangyayari sa book 2. Promise hindi ko ito papatagalin dahil hindi ako satisfied sa book 1 kasi nga nasa book 2 ang sagot. So ayun, bibilisan ko nalang ang SFV para maipost ko kaagad ang book 2 nito. And yeah, kita-kits muna tayo sa SFV pansamantala dahil gusto ko muna talaga 'yong tapusin bago ang book 2 nito.

Pinag-iisipan ko pa po ang magiging title ng book 2 nito. Kung HIMITSU ACADEMY 2 ba oh mag-iisip ako ng bagong title (tulungan nyo kaya akong mag-isip?) Hahahaha Finding Mr. Right kaya? Jk. Walang connect hahahaha. Basta, ia-uupdate ko naman kayo tungkol sa book two nito kapag patapos na ang Searching For Valkyrie ko. Hehehehe

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon