Chapter Forty Seven.

51.9K 1.4K 88
                                    

Dedicated sa silent reader ko na sinadya pa akong private message lol, nakakainspired daw ako? Chos! Di naman e. Kung humble sinabi mo maniniwala pa ako hahaha! Djk. So yun na nga,



Kana's POV




Nagsidatingan ang mga pulis sa bahay para mag-imbestiga sa kung ano ba ang nangyari. Nakaupo lang ako sa hagdanan at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Parang ang bilis ng lahat. Dalawang buwan pa lang ang nakakaraan nang umalis ako sa bahay na ito, at nang bumalik ako nangyari pa ang mga 'to.



Napatingin ako kay papa habang kausap nya yung dalawang detective na tinawag nya kaninang Tamako at Nauri. Kahit papaano magaan ang loob ko sa dalawang detective na iyon mula nang pumasok sila sa bahay, nginitian pa nila ako. Hindi man nila sabihin sa akin, alam ko, nararamdaman ko kagaya namin ang dalawang detective na 'yon. Isa din silang Mitsu.



Lumayo silang tatlo ni papa, para siguro mapag-usapan nilang maayos ang buong nangyari. Si mama tulala pa rin habang nakatingin sa lugar kung saan kinuha ang katawan ni lolo. Kinakausap sya ng ilang mga pulis pero hindi nya pinapansin ang mga ito. Tulala lang si mommy habang tahimik na lumuluha pa rin.



Napasubsob ako sa mga braso kong nakapatong sa mga tuhod ko. Ayokong mag-isip pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mag-isip sa mga oras na ito.



Nasaan na kaya si Kyoya? Nakaligtas kaya sya sa mga humahabol sa kanya? Sana. Pero, anong ginagawa ni Kyoya dito? Diba ang sabi nya hindi sya pwedeng sumama? Pero bakit sumunod sya?



"Pwede ka bang matanong? Hindi makausap ang mommy mo e." Napataas ako ng ulo nang may magsalita.



Tatlong pulis ang nasa harapan ko ngayon. Anong sasabihin ko? Hindi naman nila papaniwalaan ang sasabihin ko kapag sinabi kong may pumunta ditong anim na chitaens at pinatay sina yaya, Joko, at lolo at kami lang tatlo nina daddy ang nakaligtas. Parang imposible para sa kanila kapag sinabi ko ang totoo.



"Wala akong alam. Wag nyo akong tanungin." Napasubsob ulit ako sa braso ko. "Wala akong kasalanan..." Mahinang sabi ko kasabay ng pagyugyog ulit ng mga balikat ko.



"Wag nyong tanungin ang bata..." Narinig kong boses ng isang lalaki sa hindi kalayuan. "Trabaho namin ni Nauri ang mag-imbestiga, kami na dito. At gawin nyo ang totoong trabaho nyo." Dagdag nya pa saka narinig kong may lumapit sa akin.



"Pasensya na ginoong Tamako." Sagot ng isa sa mga pulis at umalis na.



"Kana." Napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang boses ni daddy.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon