Chapter Nine.

84.9K 2.4K 129
                                    


Dedicated sa classmate ko HAHAHA binabasa nya po ito at nahihiya talaga ako :3 HAYYYSSS oy bruhilda aabangan ko yung story mo yanniemecina ;) xD xD 

Kana's POV

Tama! Sya nga...

"Sasuke!" Bulong ko pero halatang narinig nila ako kaya napatingin sila sa akin.

"Kilala mo sya Kana?" Tanong ni Yuna.

Tumango naman ako at pilit na inalala ang mga pangyayaring 'yon. Akala ko batang magician lang sya dati nung ginawa nyang yelo ang tubig sa water jug ko.

"Sasuke... Wahhhh nakita kita ulit!" Sya... Si Sasuke lang ang itinuring kong best friend simula pagkabata ko. Nawala sila ng pamilya nya nung nag grade 3 kami. Nalungkot talaga ako noon.

"Anong nakita mo ako ulit? Ngayon lang kita nakita." Sabi nya at nadurog ang puso ko doon. Paanong? Hindi nya ako naaalala? Sya lang ang best friend ko simula noon.

Sya lang... Lagi kaming magkasama kasi bata pa lang kami nakakaramdam na kami ng kaabnormalan sa katawan namin. Ilag pa sa amin yung mga kaklase namin dahil ang WEIRD daw namin. At nalungkot talaga ako nung bigla na lang silang nawala noon. Wala na akong best buddy. At ngayong nakita ko ulit sya... Anong nangyari wala bang kahit konting alaalang pumasok sa utak nya?

"Kana... Kana Yamaguchi, best buddies tayo diba Sasuke Yamasaki?" Sabi ko pa at parang nag-isip sya...

"Hindi talaga kita maalala e." Sabi nya at umupo.

"Hayss... Alam ko sya talaga yun e... Kainis..." Bulong ko at alam ko hindi na nila yun narinig. Padabog akong nahiga sa hospital bed at... "ARAYYY." Aish! may sugat nga pala ako sa ulo.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon