Chapter Forty Eight.

49.6K 1.3K 100
                                    

Hello @BaeAlley eto yung sinabi kong dedication. Lol natawa kasi ako sa comment mo lalo na sa dulo hahaha so yun na nga. Ingat and God bless :)




Kana's POV




"Wala ka bang sasakyan ate? Sure kang maglalakad lang tayo?" Napataas ako ng kilay sa sinabi ng bata sa tabi ko. Aba, demanding sya ah!



Tumango ako. "Seryoso ako nung sinabi kong isasama kita sa Himitsu para magkita kayo ng kuya mo, seryoso din ako nung sinabi ko na poprotektahan kita anu mang mangyari, kaya seryoso din ako nang sinabi ko sayo kanina na maglalakad lang tayo." Napabuntong hininga naman sya sa sinabi ko.



"Gaano ba kalayo yung jinjumitsu, ate?" Ano daw? Jinjumitsu?



"Jinjumitsu?" Tanong ko at tumingin sa kanya kaya nakita ko syang tumango. "Himitsu yon." Saad ko. "Gaano kalayo? Hindi ko alam e. Pero sabi ng kuya mo, makakarating ka ng mabilis kapag tinakbo mo pero kapag nilakad mo baka aabutin ka ng isang linggo." Sabi ko.



Napa-what expression naman sya sa akin.



"Huh? Ganon kalayo?" Gulat na tanong nya.



"Oo, kaya kung ako sayo, maglakad na tayo ng mabilis. Ang bagal bagal mo." Hays. Pero seryoso ang bagal nya e.



"Hmmp, sinundo mo pa ako, maglalakad din naman pala." Maktol nya habang naglalakad pa din kami sa init ng araw. Napailing na lang ako. "Ang init init pa. Wala ring hangin." Kaka-stress naman 'tong kapatid ni Kyoya. Ganito ba 'to talaga kakulit?



Walang choice. Nilakasan ko ang air content sa paligid ng dadaanan namin ni Aki para kahit papaano naman mabawasan yung nirereklamo nya.



Lumakas yung hangin sa paligid. Kung siguro madilim ang langit at umuulan aakalain nang bumabagyo pero hindi, mainit pa rin ang sikat ng araw.



"Wew, amazing ah. Bakit biglang humangin?" Bigla nyang tanong. Napangiti na lang ako at hindi na umimik. Ayoko namang masyado syang ma-amaze sa akin. Nakaka-flattered yun.



Kinuha ko yung back pack ko sa likuran at kinuha yung himitsu radar ko na nagtuturo ng daan papunta sa himitsu. Konting lakad na lang pala ay malapit kami sa starting point na sinasabi ni Kyoya, papasok sa gubat na dadaanan papuntang academy. Hays.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon