Chapter Fifty One.

57K 1.4K 134
                                    

May nakahula ng powers ni girl last update hahahaha, matatalino readers ko omegesh! Sino kaya yung nakahula no? Hahahaha idededicate ko sa kanya yung next chapter. ;)

Nakalimutan ko kung sino yung nagpapadedicate, sorry. :(



Kana's POV





Sa clinic ako natulog nang nakaraang gabi dahil iyon ang sabi ni Ms. Michiko. Sa clinic na daw muna ako para masigurong maayos na talaga ang lagay ko paglabas doon. At ngayon na nga ako lumabas at kasalukuyang papunta na sa dorm namin ni Misaka.



Maganda ang sikat ng araw ngayong umaga, maganda para sa mga normal na tao pero para sa amin? Hindi ko alam. Dito kasi bawat sikat ng araw nagiging hudyat na nalalapit na ang araw na kinasasabikan ng iba pero kinatatakutan ng karamihan. Kabilang na ako sa karamihan na iyon, bakit ba nagkaroon pa ng ganyan? Bakit hindi na lang magkasundo-sundo ang iba't-ibang tribo? Natatakot ako na dadating ang araw na babaha ng dugo dito sa buong academy. Natatakot ako na dadating ang araw na baka yung ibang mukhang nadatnan at nakita ko dito ay hindi ko na muling makita pa matapos ang araw na 'yon. Natatakot akong may mabago sa nakasanayan ko na, natatakot ako para sa kapakanan ng iba. Paano yung ibang hindi kayang lumaban? Paano yung mga mas nakababatang mapipilitang lumaban para sa sarili nilang buhay? Mababahiran ng dugo ang inosente nilang mga kamay. Parang hindi ko lubos maisip ang mga senaryong naiisip ko. Paano nga kapag nangyari na ang mga iyon?



Kahit dalawang buwang mahigit pa lang ako rito hindi ko maikakailang napamahal na sa akin ang buong academy at ang mga kapwa ko mga estudyante dito. Mas napamahal ako sa mga nandito kaysa sa mga naging kaeskwela ko sa dati kong pinapasukan. Siguro nga ay dahil dito ako nabibilang at hindi doon kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon.



Dito naranasan kong mawalay sa mga magulang ko. Pero dito, naranasan ko ding magkaroon ng mas malaking pamilya kaysa sa pamilyang mayroon ako kasama ang mga magulang ko at sina lolo't lola. Dito nakakuha ako ng tunay na mga kaibigan na babaunin ko na siguro hanggang hukay. Sila yung tipo ng kaibigan na handa kang tulungan kahit buhay din nila ang kapalit. Dito... Dito sa academy na 'to natutunan ko ang totoong kahulugan ng saya, lungkot at hirap.



Noong nasa totoong mundo kasi ako masaya lang ako kapag natutupad ang mga gusto ko. Kapag naiibigay ang mga luho ko. Mga maliliit na bagay na walang wala sa mga bagay na nagpapasaya sa akin ngayon. Nagkaroon ako ng mga kaibigan na dati ay wala ako, dito naranasan kong sumaya hindi dahil sa mga materyal na bagay kung hindi dahil sa mga bagay na hindi mabibili ng pera namin.



Dati nalulungkot lang ako sa mga mabababaw na dahilan gaya ng panonood ng mga malulungkot na palabas. Pagbabasa ng mga tragic books. Pero dito naranasan kong malungkot gaya ng nararanasan ng ibang mga nandito. Naranasan kong malungkot dahil sa labis na pangungulila sa mga magulang ko. Yung lungkot na dati ay hindi ko naman iniisip dahil alam kong lagi namang nasa tabi ko sina daddy. Totoo nga siguro yun, namimiss mo ang mga bagay o tao kapag wala sila at yung pagkamiss na yun ang nagiging dahilan ng pagkalungkot mo.



Maganda at masarap ang buhay ko sa totoong mundo dahil iisang anak lang ako plus mayaman kami at naiibigay nila lahat ng pangangailangan ko. Hindi ko alam kung paano yung salitang hirap dahil maluwag ang buhay ko doon. Kakain, matutulog, papasok, at internet lang ang ginagawa ko sa buhay ko araw-araw. Pero dito nalaman at naranasan ko kung paano maghirap. Dito kailangan mong dumanas ng hirap para mapagtagumpayan mo ang bawat naisin mo. Dito nagawa ko yung mga bagay na dating hindi ko naman ginagawa. Dito natutunan kong maghirap para makuha ang bagay na gusto ko. Dito pumatak ang pawis na tanda ng bawat paghihirap ko. Pumatak ang pawis na dati ay hindi naman pumapatak sa akin.



Ngayon sabihin nyo sa akin kung paano mo makakayang may mawala o masira sa lugar na madami ng naidulot na maganda para sa pagbabago mo? Pagbabagong mas makabubuti sayo? Hay ang aga aga ang drama drama ko.



Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon