Chapter Forty Two.

48.7K 1.3K 60
                                    

Real Yuna's POV


|Chitaen Palace|

*Blag*

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko, sa labas. Mukhang binuksan yung kabilang kulungan. Sino kaya ang bago nilang hinuli?

"ANONG IBIG NYONG SABIHIN NA WALA KAYONG NAKITANG BATA? MAS KAILANGAN KO PA ANG BATANG IYON KAYSA SA INYO ALAM NYO BA 'YON? HANAPIN NYO! WALA AKONG PAKI KAHIT HINDI NYO ALAM ANG ITSURA NG BATANG IYON! HUWAG KAYONG BABALIK HANGGAT WALA YONG BATANG 'YON DITO. MALIWANAG?”

Umaalingawngaw nanaman ang boses ni Akuma. Sino naman kayang bata ang tinutukoy nya? Tss, kahit bata kinakasahan nya na din, wala talagang puso.

*Blag*

Nakarinig nanaman ako ng kalampag, this time mas malapit na.

“Aray ko masakit!” Pamilyar yung boses. Parang kilala ko... Hindi ko lang talaga matukoy kung sino.

Pinilit kong iaangat ang ulo ko para makita kung sino ang bago nilang hinuli, kahit kailan talaga hindi sila lumaban ng patas. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mama at papa ni Kyoya, sila ba? Kung ganon, si Aki ang tinutukoy ni Akuma na bata?

"Tumahimik ka."

Isinarado na ng tauhan ni Akuma yung bakal na rehas, mukhang walang malay ang papa ni Kyoya, dahil hindi ito gumagalaw. Kilala ko ang papa ni Kyoya, kung gising sya tiyak na gagawa sya ng paraan para lumaban.

Tiningnan ko na lang sila, mukhang hindi naman nila ako makikilala kung kakausapin ko sila.

Naiinis ako, paano ba ako napunta dito sa lugar na 'to? Paano ako napunta sa katawan na 'to? Ang natatandaan ko lang may binanggit si Akuma noon na “soul transferring” ang kapangyarihan ng may-ari ng katawan na 'to.

Kung nagpalit kami ng katawan at tanging kaluluwa lang namin ang lumipat sa ibang katawan posible na hindi lumipat yung kapangyarihan namin hindi ba? Ang alam ko kasi ginagamit ng babaeng nasa katawan ko yung kapangyarihan ko. At kung ganon, may posibilidad na nasa katawan na 'to yung kapangyarihan nya “soul transferring”.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon