Chapter Twenty Three.

63.1K 1.8K 71
                                    

Yow! Una sa lahat patawarin nyo ako kung inabot ng ganitong katagal bago ako makapag-UD. Sa phone ko lang tinype 'to kasi under repairing yung laptop ko. Kapag pinipindot ko yung keyboard ayaw lumabas ng letters sa screen kaya huhuhu next month pa sya makukuha. sana maayos sya pag nakuha, hindi ko kasi alam kung makakabalik pa ba sya sakin ng buhay . Hanuuuudaaaaw? Anyways here's the UPDAAAAAATTTTEEEEE ♡

May pahabol pala yung kadaldalan ko mamaya sa dulo XD

Air Goddess' POV

Matapos ang nangyari kanina inihiga na muna namin si Kana. Nakatingin pa din kami ni master Kira sa kanya. Posible kaya na isa na sya sa nasa prophesy? Lumabas na ba ang isa sa pinakamalakas na elementalist?

Natatandaan ko bago ko piliin si Kana, nung panahon na kasing edad ko pa sya... Yung librong iyon. Yung libro na nagsasabi na kapag lumabas na ang ikatlong tagapagmana sa isang pamilya magiging bukod tangi at kakaiba ang tinataglay nitong lakas. Maaari bang pangtatlo na si Kana sa mga naging tagapagmana sa angkan nila. Mula sa ninuno nya?

"Mukhang pareho tayo ng iniisip Henata." Napatingin ako sa gawi ni master Kira.

"Posible po ba?" Tanong ko.

"Hindi imposible Henata, sa lakas na tinataglay nya na imposible naman na ma-gain nya agad sa loob ng napakaikling panahon na ipinanatili nya dito sa academy. Qualified sya. Plus inheritor ang lola nya, water element controller si Miyu. Ang hindi ko lang alam ay kung may naging inheritor pa ba sa angkan nila bago mapasahan ang lola nya." Nakatingin lang ako kay master Kira habang sinasabi nya iyon. Kung ganon kung may isa pang tagapagmana sa angkan nila bago mapasahan ang lola nya isa nga si Kana sa nasa propesiya.

"Aww." Napabaling ang tingin ko kay Kana na unti-unting bumabangon at hinihimas himas pa ang ulo. "Ano po bang nangyari? Bakit... Bakit ganon yung nagyari? Isang ipo-ipo lang naman po yung pinalabas ko kanina. Hindi ko pinapalabas yung iba." Bigla nyang tanong. Hindi ko din alam kung bakit.

"It's because you over used your power, akala mo kontroladong kontrolado mo na pero hindi. Naging dahilan din yun ng misbehavior ng power mo." Sabi ni master Kira.

Parang nalungkot naman si Kana, "Ibig sabihin po ba hindi ko pa din makontrol ng maayos?" Tanong nya.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon