Chapter Four.

99.3K 2.9K 340
                                    

Kana's POV




Rm. 17 Girls Dormitory, pumasok kami sa loob walang tao pero tatlo yung kama. Ibig sabihin tatlo pala kami dito. Siguro nasa classroom yung isa kasi sinundo lang naman ako ni Yuna para ihatid dito babalik din sya sa classroom mamaya, shempre class hour pa din naman ngayon.



"Kana, dito yung bed mo sa gitna ng sa amin ni Misaka. Hehe enjoy ka dito a? Babalik lang ako sa classroom 20 mins. lang binigay sakin sa pagsundo sayo. Don't worry one hour na lang naman babalik na ako dito kasama si Misaka." Sabi nya sabay labas. Naglaro pa sya ng water ball.



Sabi nya kama ko yung sa gitna kaya humiga na ako agad. Kasing lambot sya ng kama ko sa bahay kaya kahit papaano hindi rin ako maninibago tuwing tutulog ako. Ayos na rin 'to. Ipinagtataka ko lang, mag-isa ako ngayon a, bakit hindi ko naririnig yung laging kumakausap sa akin?



Matatanga ako kakaisip. Nabobored ako dito sa loob. Lalabas na lang muna ako kesa mamatay ako sa sobrang katahimikan dito sa dorm. Okay na din yung gumala ako para medyo mafamiliarize ko na yung lugar.



Lumabas ako ng dorm at tahimik na naglakad palabas ng hallway. Wala akong nakikitang tao siguro bawal mag-cut ng klase dito. Sa dati ko kasing school madaming nagka-cut hindi nga lang nahuhul~



"Aww." Saan ba ako nabangga? Wala namang bagay sa dinadaanan ko a!



"HEY! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Abat nakita ba kita ate? Wala ka naman jan kanina. Bigla ka na lang sumulpot. May pa inbi-invisible pa kasing nalalaman!



"Bakit? Hah! It's your fault naman hindi kita nakita kasi invisible ka. Tapos ako pa sisisihin mo ngayon." Lupet lang. Akala ko pa naman mababait yung mga tao dito. Tss. Maybe mababait yung pero hindi lahat gaya na lang nitong kaharap ko ngayon. Kasalanan ko pa na nabangga ko sya. Wow ah?



"Watch your word. Baguhan ka lang dito tapos sumasagot sagot ka na agad wow lang ha." Wow lang din ulit a?



"Yes, alam kong baguhan ako. But is that how you treat a new comer? How rude. At class hour ngayon a, nag cut ka ano?" Sabi ko sabay nataranta sya nung sinabi ko kung nag cut sya. Hah halatang halata.



"No, inutusan lang ako. Babalik na nga ako sa classroom e." Sabi nya ang galing lang inutusan pero nasa garden, babalik ng classroom pero hindi halata. Mukhang walang balak bumalik.



"Talaga lang huh? Tara, section mo ba? Ihahatid na kita para sure na babalik ka." Naiinis na sya, sabi na nga ba e. Ito ang ability ko, ang mang-inis ng tao. At least may ability ako.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon