Chapter Fifty Eight.

48.5K 1.3K 110
                                    

Note: Kamusta na pala kayo? Yung mga may pasok na? Hahaha may mga new friends na ba kayo? Madami na ba kayong mga assignments? May mga terror teachers ba kayo? E new crush? Hehehe.



Ako wag nyo na akong tatanungin, sasagutin ko na agad. Wala pa akong pasok pero kinakabahan na ako. Shems! Sa 23 na first day of class ko. College na ako at humigad! Nakakaloka talaga. Sana walang terror na prof. Sana magkaroon ako ng madaming madaming friends.

Proceed na tayo? Haha.




Kana's POV




Gaya ng sabi ni sir Mamoru, ginamit namin ang kung anong mga nalalaman ni Sasuke tungkol sa Chitaen Palace. Hindi naman sya nagdalawang isip na sabihin agad sa amin kung anu-ano ang mga iyon.



Madami kaming nalaman sa buong chitaen palace. Gaya nalang ng kung saan nila ikinukulong ang mga kinuha nila upang maging alas laban sa amin. Mga shortcut na daan. Mga lugar kung saan wala gaanong dumadaan na chitaens. He even insisted na kausapin yung mga nagbabantay sa labas ng chitaen palace. Hoping na baka hindi pa nila alam na bumalik na ang ala-ala nya. Pero hindi pumayag si sir Mamoru. Ayaw ni sir, hindi nya raw iririsk ang kapakanan ni Sasuke para doon. Paano daw kung alam na ng chitaens? Mapapahamak lang daw si Sasuke pag nagkataon. Isa pa, nangako daw sya kay sir Arashi na babantayan nya kami. Kailangan daw tuparin nya 'yon.



Kasalukuyan pa rin kaming naglalakad ngayon. Wala pa kaming pahinga pero ngayon masasabi ko na na nakakalayo na kami sa Himitsu Acacemy. Hindi na kasi nakikita yung academy mula sa kinatatayuan namin. Pero hindi pa rin naman natatanaw yung chitaen palace. I guess super layo talaga ng pagitan ng bawat academy sa isa't-isa.



Kinuha ko yung tubig ko sa bag. Grabe, ang layo pa ata ng chitaen palace pero yung tubig ko nangangalahati na sa sobrang layo na ng nalalakad namin. Aabot pa ba 'to? Anong iinumin ko pagbalik namin?



Hindi ba pwedeng iteleport na lang kami ni Kyoya isa-isa papunta sa chitaen palace? Hindi ba't mas makakatipid kami sa oras kung ganon ang gagawin namin?



Napatingin ako sa lugar kung nasaan si Kyoya. Hmm. Pwede naman siguro yun diba?



"Mukhang pareho tayo ng iniisip." Halos mapapitlag ako nang buglang sumulpot si Misaka sa gilid ko. "Pero, imposible ding madala nya tayo dun. Sa atin kasi dito si Sasuke pa lang yung nakakapunta sa chitaen palace. Sya pa lang yung makakaimagine ng gusto nyang puntahan. Sya lang yung pwedeng iteleport. Hindi pa kasi natin alam kung anong itsura ng chitaen palace kaya hindi tayo pupwede. Isa pa, hindi rin alam ni Kyoya ang itsura ng chitaen palace para sya na lang ang mag-imagine para sa atin."



Napaisip ako. Kaya ba sinabi ni Kyoya sakin dati na isipin ko yung itsura ng bahay namin?

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon