Chapter Thirty Six.

53.1K 1.4K 82
                                    

Magpalit kaya ako ng username? Nako-corny-han na ako sa username ko e. Hahaha, pinoproblema ko nga lang yung cover ng books ko spinninghead101 pa din yung nakalagay XD basta bruhangdemigod yung gagamitin ko pag nagpalit ako XD

PS: Hindi talaga nawawala yung entrada ko bago at pagkatapos ko umpisahan yung chapter no? Pagpasensyahan nyo na masaya lang ako hihihi :D

Sasuke's POV

Nasa taas ako ng puno nang makita ko syang hinahabol ng mga chitaens. Ang babaeng iyon aalis-alis tatakbo naman pala kapag nakakita ng kaaway. Sinadya ko syang sundan kanina nandoon ako at hihilahin na dapat sya nang hilahin sya ng dalawang Ragi kaya nagtago na lang ako at pinagmasdan ang ginagawa nila.

Siguro nga tama ang conclusion ko sa Ragi tribes. They're not that bad, hindi gaya ng mga Chitaen at Junju. Kasi kung masama sila binihag na nila si Misaka o di kaya naman ay pinatay na.

Tiningnan kong muli si Misaka, mabilis syang tumakbo pero tingin ko ay hindi iyon sapat para makatakas sya sa tatlong humahabol sa kanya. Malapit na sya sa kinaroroonan ko nang bigla syang madapa. Lampa.

Bumaba ako ng puno, mahirap na baka mahawakan sya ni Seichiro; Seichiro have this so called death ability, na sinasabing namamatay lahat ng mahahawakan nito sa loob lang ng sampung segundo kung hindi ka makakawala sa hawak nya. Oo ganoon katindi ang kapangyarihan nya. I know him, wala din syang puso gaya ni Akuma he even killed his own father para lang mas lumakas ang kapangyarihan nya.

"Sshhh..." Yan na lang ang sinabi ko nang hinila ko sya upang magtago at takpan ang bibig.

Nakita ko syang lumingon sa akin at parang naging kampante sya nang makitang ako ang taong humila sa kanya, pero nagpumiglas pa rin sya sa akin.

"Hmm hmm..." Sabi nya.

"Hwag kang maingay pwede ba?" Sabi ko at tiningnan ang grupo nina Seichiro hindi na sila kalayuan sa amin. "Aray!" Daing ko nang bigla nyang kagatin ang kamay kong nakatakip sa bibig nya.

"Hindi nga ako mapapatay ng mga yon, e papatayin mo naman ako! Hindi ako makahinga!" Sabi nya pa at umirap. Tss. Dapat nga ay magpasalamat pa sya.

"Okay, tumahimik ka na pwede?" Tumango na lang sya at nilingon yung mga humahabol sa kanya.

Tumayo lang ako sa likod nya at inabangang dumaan ang mga Chitaens.

Narinig ko ang pagsinghap ni Misaka at tiningnan ko kung bakit.

Nakatingin pala sila sa gawi namin. Kaya pala kami nahanap kasama pala nila si Yuta; smelling ang ability nya. Parang aso lang.

Napatingin sa akin si Seichiro pagkatapos ay umalis na sila. Nasa pangangalaga ako ni Akuma, kaming dalawa ni Yuna/Imadori to be exact. Hindi kami pwedeng galawin ng mga Chitaens or else si Akuma ang haharapin nila.

Napatingin sa akin si Misaka na parang naguguluhan. Iniisip nya na siguro kung bakit hindi kami sinugod ng tatlong iyon.

"Halika na, bumalik na tayo sa camp." Sabi ko at nauna nang maglakad sa kanya.

Minsan, helpful din naman pala si Akuma. Gaya na lang ng sa nangyari ngayon. Kung hindi siguro ako nasa pangangalaga ni Akuma ay nilalabanan na namin ang mga Chitaen na iyon ngayon.

Nilingon ko si Misaka nasa ganoong pwesto pa rin sya gaya noong umalis ako. Bumalik ako at hinila ko sya. Baka balikan sya dito mahirap na.

"Bitawan mo nga ako, ano 'yong nangyari kanina?" Sabi nya habang kinukuha nya ang kamay nya sa pagkakahawak ko.

"Anong, anong nangyari kanina?" Tanong ko na lang at mas hinigpitan ang hawak sa kanya. Pinilit ko ding maglakad, sumusunod naman sya.

"Bakit... Bakit hindi nila tayo sinugod? Alam kong nakita nila tayo." Nilingon ko sya. Alam kong itatanong nya yan pero hindi ko napaghandaan ang isasagot ko. Aamin ba ako o ililihim ko muna?

"Ewan ko din." Mas pinili kong itago muna pero mukhang wala akong takas kay Misaka.

"Sasuke... May koneksyon ka ba sa kanila?" Alam kong nanigas ako sa tanong nya pero mabilis ko iyong itinago. Paano ko ba sasabihin?

Tinawanan ko sya at nakita kong kumunot ang noo nya.

"Paano kung oo ang sagot?" Tanong ko na lang para malipat sa kanya ang tensyon.

Nakita kong nanlaki ang mata nya at parang namutla. "Joke lang." Sabi ko at muli naman syang nabuhayan.

"Wag kang mag-joke ng ganon! Kapag nalaman kong may koneksyon ka sa kanila mapapatay kita tandaan mo 'yan Sasuke Yamasaki." Sabi nya at naglakad na habang hawak ko pa din ang wrist nya.

Kumunot ang noo ko, bakit naman parang galit na galit ata sya. At bakit parang big deal?

Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa malapit na kami sa camp. Hinila nya na ang kamay nya at nabitawan ko iyon. Nakita kong nag-iba sya ng daan at hindi na dumeretso sa camp namin.

"Hoy! Doon tayo! Saan ka pupunta delikadong mag-isa ka." Sabi ko nang naguguluhan.

"Hindi na ako babalik jan. Sige na pumunta ka na doon lalabas na ako dito." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nya. May nangyari ba?

"Sasama ako sayo." Kahit na ganito ako, concern ako sa mga kasama ko. Hindi sila ligtas lalo na kapag mag-isa lang.

"Sasama ka? Sigurado ka ba?" Tanong nya na parang nanghahamon pa.

"Oo! Bakit saan ka ba pupunta?"

"Lalabas na at babawiin ang pamilya ko." Naglakad na sya at sumunod ako. Babawiin saan? Kanino?

"Huh? Gets ko yung lalabas ka pero yung babawiin yung pamilya mo... Kanino, saan?" Naguguluhan talaga ako.

"Sa mga Chitaen ngayon alam mo na? Alam mo na kung bakit papatayin kita oras na malaman kong may koneksyon ka sa kanila." Alam ko na nga. Pero... Hindi ko alam na hawak ng mga Chitaen ang pamiya nya.

"Nababaliw ka na ba? Mag-isa kang pupunta doon? Madaming Chitaen doon."

"Hindi ba sabi mo sasama ka? Tinanong kita kung sigurado ka sabi mo oo, babawiin mo ba?" Umiling ako. Hindi ko sya pwedeng pabayaang mag-isa doon.

Pagkakataon ko na 'tong itakas ang totoong Yuna na nasa loob ng katawan ni Imadori. Pero ang pinoproblema ko paano ako makakapasok nang kasama si Misaka? Aish. Bahala na.

"Tara." Sabi ko na lang at umalis na kami.

1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1DD1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D1D

Sa mga naguguluhan tungkol kay Yuna ito yon.

Totoong katawan ni Yuna ang kasama nina Kana pero hindi si Yuna ang nasa loob ng katawan na iyon kung hindi si Imadori gets ba?

At yung nakakulong naman ay katawan ni Imadori pero si Yuna ang nasa loob ng katawan na iyon. Gets din ba?

Parang nag swap sila ng katawan yun yon. :) hihi sa hindi nakaka gets ay basahin nyo na lang ng paulit-ulit yung sinabi ko hanggang sa magets nyo alam kong magulo XD

Enyeye key Seseke et key Meseke?

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon