Chapter 37: Sunset

363K 8.1K 345
                                    

Chapter 37 : Sunset


--

KEVIN POV



"apple asan ka na?"

tumingala ako sa langit... ang payapa niya.. sana ganyan din yung puso ko... maging tahimik..

"apple... makikita pa ba kita?" para na kong TANGA dito, mag salita daw ba mag isa?


Hindi ko kasi alam kung makikita ko pa yung babaeng pinaka mamahal ko.. si Apple. Baka kasi hindi na ko bumalik sa pinas after ng tournament, sabi ni mommy, pag galing sa malaysia, deretso na ko ng korea. Matagal ko na din napag isipan yung alok sakin ng mommy ko na dun na ko mag aral tutal andun na silang lahat.. nung una ayoko, pero parang gusto ko mapag isa.. gusto ko hanapin yung sarili ko, malayo sa kanila. Hindi pa alam nila miggy to eh, baka sa malaysia ko na lang sabihin..

Apple... Nasan ka na ba?

Maka alis na nga, kaylangan ko pa mag impake. Mamayang gabi na yung alis namin papuntang malaysia eh. Baka malate pa ko lagot pa ko kala miggy. Pag ka tayo ko nag lakad na ko papunta sa kotse ko.. kaso may napansin akong babaeng naka talikod naka tingin siya sa malayo... hindi ako pwedeng mag kamali eh... siya yan...

"Apple?" Hinawakan ko yung mga braso niya.. "Apple ikaw ba yan?" hindi pa din siya nag sasalita..

"Kevin?"

"Anong... Anong ginagawa.. mo dito?"

"Ha? wala... wala.. sige.."

Pinigilan ko siyang umalis.. Kung mag papaka tanga pa din ako, kapag hindi ko pa din sinabi kay apple yung nararamdaman ko, baka maging huli na yung lahat.. baka hindi ko na ulit siya makita.. Hindi ko na hahayaan na mawala pa ulit sakin yung babaeng mahal ko..

"apple, may gusto sana akong sabihin sayo.. pwede ba tayo mag usap?"

"para san pa kevin? di ba sinabi ko na sayo na kalimutan na natin yung isat isa?"

"pero hindi ko kaya!"

"bakit?! kayanin mo! kevin.. tama na.." tumalikod siya sakin.. nag lakad siya papalayo..

"APPLE MAHAL KITA!!"

bumalik siya.. "MAHAL?" nakita ko yung mga luha na pumapatak sa mga mata niya.. "PERO BAKIT MO SINASAKTAN KEVIN?" hinawakan ko yung mukha niya.. pinunasan ko yung mga luha sa mga mata niya.. pero inalis niya lang.. "kevin hindi mo ko mahal! si maureen pa din yung mahal mo.. ginagawa mo lang akong dahilan para masabi mo sa sarili mo na nakalimutan mo na siya!" umiyak siya.

"apple hindi! mali ka! oo aaminin ko,  minahal ko si maureen.. pero dati yun! pero nung dumating ka sa buhay ko.. nung nakilala kita.. nung mga panahon na kasama kita.. apple, isa yun sa mga pinaka masayang araw ko.. yung nakasama kita.. ang tanga tanga ko lang kasi eh, hindi ko agad nalaman na mahal na pala kita.. apple mahal kita.. mahal na mahal.. maniwala ka naman oh.."


Biglang nag ring yung phone ko..

"hello?"

(kaibigan ka ba ni Maureen?)

"oo bakit?"

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon