Chapter 34: Spin the bottle

426K 9.6K 2.4K
                                    

Chapter 34: Spin the bottle

--

DANTE POV.

"masaya ka na ba?"

"dante! paano ko magiging masaya?! okey na naman sila tin at miggy!! wala ka kasing kwenta! dapat nung nag aaway sila ginatungan mo pa!"

"ang usapan lang natin tumayo ako dun, hintayin ko si tin.. yun lang!"

"oo nga pero nag break ba sila?!"

"wala akong paki alam.. ginawa ko na yung gusto mo, kaya pwede tigilan mo na sila miggy.."

Tumawa siya. "alam mo dante, you're so stupid!" nilapit niya yung mukha niya sakin. "sabi mo mahal mo si tin right?" naka ngiti siya. Alam ko may pinaplano na naman siya.

"oo! pero hindi ako desperada na katulad mo, na ipag pipilitan yung sarili niya sa taong mahal niya.."

"SHUT UP!"

"bakit ka nagagalit ally? tama naman di ba? alam mo.. hindi ko maisip na minahal kita noon.."

"alam mo dante, hindi tayo mag ka away dito eh. Mahal mo si tin, mahal ko si miggy, bakit hindi tayo mag tulungan para mapag hiwalay silang dalawa di ba?"

Naisip ko na din yan. Sa totoo lang kayang kaya kong gawin yun mag isa. Hindi ko kaylangan ng tulong ni alyssa kaso mahal ko si tin. Hindi ko kayang makita siya na nasasaktan. Yun naman yung tunay na pag mamahal di ba?

"umalis ka na! binabalaan kita! wag na wag mong gagalawin si tin, kung hindi ako makakalaban mo!"

"maiisip mo din na mali ka! at hindi mo ko mapipigilan. Tandaan mo, hanggat andyan si miggy, hindi ka mamahalin ni tin!"

Naka alis na si alyssa pero paulit ulit pa din sakin yung mga huling sinabi niya.

'Hanggat andyan si miggy, hindi ka mamahalin ni tin'

Tama si alyssa. Hindi nga ko mamahalin ni tin... bakit pa kasi ako nahulog sakanya..

*FLASHBACK* 

(2 months ago)

Wala akong magawa kaya nag open na lang ako ng YM ko. Aba online si flat ah! Ma chat nga! Ang sarap kasi niya asarin eh! hahaha.

Mr_nevermore: 
Hello? ^__^

TINapay:  
uy! dante... 

Mr_nevermore:
anong ginagawa mo?

TINapay:  
NGANGA! Nakakainis! nag dodota na naman si bakulaw! hindi nag tetext eh. tapos offline sa chat!

Mr_Nevermore:  
nag boyfriend ka ng dota player tapos magagalit ka kapag nag dota siya? HAHA. lol

TINapay:  
k.

Mr_Nevermore:  
aw ang sunget! -_-

TINapay:  
PMS kasi ako. Hays

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon