Chapter 38: Walang tatalo sa pasko ng pinas

407K 10.2K 853
                                    

Chapter 38: Walang tatalo sa pasko ng pinas.

--

"ate!!" bigla akong natauhan sa boses ni miguel.

"ano ka ba miguel? bakit mo ko sinisigawan?"

"eh kasi kanina pa kita kinakausap pero hindi ka naman nagsasalita, nakatulala ka lang. Tsss."

"ah ganun ba, hmm.. sorry na. okey okey lilibre na lang kita mamaya okey?"

"ate okey lang, pero nag aalala kasi ako sayo eh, lagi ka na lang tulala."

"okey lang ako, tara.."

Ang sweet talaga mg kapatid ko kahit minsan sobrang kulit. Hays. Simula ng umalis sila miggy papuntang malaysia lagi na lang akong natutulala. Kasi naman hindi ko matanggap eh...

*FLASHBACK*  

-- (2days ago)

"pudge, behave ka ba dyan ha?"

(oo naman! napaka loyal ko kaya sayo. Wala ka bang tiwala sakin? tampo na ko)

"asus tampo naman siya, may tiwala ako sayo syempre pero sa mga lalandi sayo dyan, wala!"

(haha! don't worry pudge, hindi ko sila papansinin para sayo.. kahit mas sexy at mas maganda sila sayo! haha.)

"miggy!"

(joke lang, para sakin ikaw yung pinaka maganda at sexy na babae kahit flat chested ka. Haha!)

"ah ganun! sige wag kang pupunta sa bahay namin sa pasko ah, hindi mo matitikman yung luto ko"

(eh di wag!)

"ok" walang gana yung pag kakasabi ko sakanya ng ok.

(eto naman joke lang po.)

"dapat lang! hays.. pudge miss na kita.. umuwi ka na agad ha! first Christmas natin to together eh.. nabalot ko na yung gift mo!"

(ah kasi pudge.. ano kasi...)

"PRINCESS! PUMUNTA KA DITO YUNG NILULUTO MO!" sigaw ni kuya ace.

"pudge mamaya na lang ha? tinatawag ako ni kuya eh. I love you!" tapos binababa ko yung phone tska ako pumunta sa kusina.

"san ka ba pumunta? tignan mo sunog na yung niluto mo!"

"sorry kuya, kausap ko kasi si miggy sa phone eh."

"ah okey, next time be careful. Bilisan mo na dyan, papunta na dito si sarah."

"okey sige"

Inayos ko na agad lahat ng pagkain nila kuya. Pupunta kasi dito sarah, monthsarry kasi nilang dalawa ngayon. May surprise dinner si kuya kay sarah. Hays na miss ko tuloy si miggy. Mahilig kasi yun mang surprise eh.

Naayos ko na lahat ng pagkain nila, pati yung mga petals tska candles dito sa garden. Tsk siya may surprise pero ako pinag luto niya at pinag ayos niya? wala sa ayos to si kuya eh. First time pa lang ginawa ni kuya to sa isang babae kaya nung nalaman ko yung plano niya, na excite ako, kaya pumayag na din ako naman agad ako. Isa pa sa best friend ko niya gagawin eh. Im so happy for both of them.

"princess pogi na ba ko?" halatang kinakabahan si kuya. Haha nakakatawa tuloy.

"poging pogi ka na kuya!" ginulo ni kuya yung buhok ko tska siya ngumiti.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon