Chapter 43: LQ kami.

375K 8.2K 639
                                    

Chapter 43: LQ kami.

 

---

TIN POV

 


Malapit na mag simula yung class ko. Badtrip naman kasi kakatapos pa lang ng new year eh! may klase agad. Tapos hindi pa ko nakatulog ng maayos kagabi, paano kasi kakaisip ko kay miggy eh! badtrip talaga, hays! sana hindi maging ganito buong new year ko! :-(

Wa poise na ko sa pag lalakad ko, keber ko ba kung may makakita sakin, eh malalate na kasi eko eh! huhu gusto ko na makita si miggy eh, kahit may tampo ako dun syempre miss ko na yun.

"tin..."

"ay kalabaw!" pag kalingon ko, nakita ko si.... dante. "dante?"

"pwede ba kita maka usap?" iniisip ko yung isasagot ko kay dante eh, kasi pag kinausap ko pa siya malalate na talaga ko sa first subject ko pero duh! minsan ko na lang siya makita eh, isa pa madami akong tanong  sa kanya. Hindi ko na lang muna inisip na pumasok. Sabagay first subject lang naman eh.

"ah oo sige, tara dun tayo sa park?" tumango lang si dante. Mukhang malungkot siya, bakit kaya? nalungkot naman din tuloy ako bigla. 

Habang naglalakad kami papunta sa park, ang tahimik ni dante, hindi na talaga siya yung dante na nakilala ko. Yung maingay, mapang asar, ang laki naman ng pinag bago niya :(

"dante, tara dun oh" tumango lang siya. Luh pipe na ba siya?

Pag kadating namin dun, umupo agad ako sa bench, tapos eto naman si dante nawala, asan na ba yun? baliw lang eh, san san pumupunta. Asan na naman ba yun?

"oh alam ko namang favorite mo to eh." waaaa vanilla ice cream *___*

"uwaa! thank you dante!" hindi pa pala siya nagbabago talaga.

"ahm tin.... pwede na ba tayo mag usap?"

"nag uusap na tayo di ba?"

"hahahah!!" luh? problema niya? pinag tawanan pa ko, eh tama naman talaga eh, nag uusap na kaya kami? "nakakatawa ka talaga flat.." nako ayan na naman siya sa flat eh.

"sige, ano ba yung sasabihin mo?"

"ahm... kasi... ano... kasi..." anak ng tokwa! ano kaya yun? wahaha. "haha! sorry tin..."

"para kang tanga alam mo ba yun? hindi ka naman ganyan dati eh..." binatukan ko nga siya para naman matauhan siya.

"ouch!!" ouch talaga yan! baka pag nauntog ko ulo mo bumalik ka sa dati eh. "hahaha!! letche ka flat ah! ang yabang mo na porket lumaki na konti yang ano mo ah?" oh di ba effective? hahaha mapang asar na ulit siya eh.

"haha kelangan pa kasi binabatukan eh nuh? bakit ba kasi dante? ano ba yung sasabihin mo?"

"ahm.. gusto ko lang sama mag sorry sayo...."

Natigilan ako sandali sa sinabi niya. Bigla kasing bumalik sakin yung mga nangyari dun sa resort.  Ang tagal ko siyang hinanap para tanungin kung bakit niya ako siniraan kay miggy... pero wala na naman lahat yun eh, naging okey na din naman kami ni miggy pag katapos nun eh.

"wala na yun ano ka ba? hahaha!! ang tagal na nun eh." pero gusto ko din sana malaman eh, sabagay tapos na naman eh, hindi naman siguro masama kung tatanungin ko di ba? "ahmm.. pero dante, bakit? bakit mo ko siniraan kay miggy? naguguluhan lang kasi ako eh..."

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon