Chapter 5: Sorry na

626K 15.4K 2K
                                    

Chapter 5: Sorry na

---

"hoy panget gumising ka na! andito na sundo mo oh!"

lintek anong sundo ba yan? buiset to si Miguel aga aga nang bubuiset. hindi pa naman ako naka tulog kagabi dahil dun sa.. Aish! ano ba yan! erase erase.

"Andyan na!"

 pag ka baba ko ng kwarto ko...

"waaaaaaaaa!"

Dumiretso agad ako sa banyo, waaa hindi pa ko nag aayos amp baka mamaya tulo laway pa ko, tska yung buhok ko ang gulo halaaa bakit ba kasi andito yang bakulaw na yan? huhu. Yan ba yung sinasabi ni miguel na sundo?

"princess maligo ka na ha, bilisan mo nag hihintay sayo si migz."

"waaa kuya pa alisin mo na yan! kaya ko mag isa, tska bakit niya pa ko ihahatid?"

  

"bilisan mo na dyan! wala ng pero pero ah." ano ba? ang lakas naman ata mang trip ng kapalaran? bakit sa dinami dami ng taong mag hahatid sakin bakit yung taong iniiwasan ko pa? asar naman oh..

Pag katapos kong maligo kumain na agad ako tska bakit nasa labas pa yung miggy na yun? bakit ba yan pumayag? Kainis.

"Oh princess si migz na lagi mo kasabay pumasok at umuwi ah, para naman safe ka, wala ng pero pero ah? sige ingat ka."

"okey kuya. bye"

Nag lakad nako palabas ng bahay, at palabas ng subdivision namin, hindi ko pinapansin yang bakulaw na yan..

"Hoy tinapay" wag mo pansinin yan Cristin, wag wag.

"hoy hintayin mo ko! Nag mamadali ka ba?" sige bilisan mo lang yung lakad mo tin, wag mong lilingunin yan.

"Cristin, kung yung kahapon yung iniisip mo, kalimutan na natin yun, wala naman yun eh." wala? eh first kiss ko yun wala lang? nakaka asar naman. Sa Lahat ba naman ng lalaki siya pa kasi eh T__T

huminto ako sa pag lalakad, hinarap ko si bakulaw.

  

"kung para sayo wala yun, sakin big deal yun, first kiss ko yun!"

"tsss aksidente lang yun, isa pa halik lang yun,"

"napaka insensitive mo talaga! pwede ba wag mo na kong kakausapin! isipin mo na lang hindi tayo mag kakilala!" Nag lakad agad ako palayo sa bakulaw na yun. Ayoko na syang kausapin, parang wala man lang puso, hindi ba niya alam na napaka importante ng halik sa mga babae? lalo na una yun. Hindi na lang siya mag sorry! matatanggap ko pa!

Nakarating kami ng school ng hindi nag uusap at sa buong klase tahimik pa din kami, hm ang awkward kasi pag pinansin ko siya, eh fresh pa yung nangyari eh, hm siguro papalipasin ko muna yung nangyari. Ayoko naman maging harsh sakanya.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon