Chapter 14: hello daddy!

607K 13.6K 1.5K
                                    

Chapter 14: hello daddy!

--

"pudge gising na.."

"puuuudge!"

"teka! antok pa ko eh.. five minutes." ano ba yan ang aga aga mang gising neto! at bakit pudge din ang tawag neto sakin!

"gising ka na malalate ka na" aba ang kulit neto ah!

"teka nga lang.. two minutes"

"sige kapag hindi ka pa gumising diyan, hahalikan kita!" hahalikan daw? O_O

"MIGGY?!" nagulat ako ng makita ko siya, umagang umaga nasa harap ko siya. teka! bagong gising ako! baka mamaya may panis na laway pa ko sa bibig eh, luhhhh! huhu ang panget ko!!!

"goodmorning pudge, you look beautiful"

luh beautiful daw? eh bagong gising nga ko eh, pero nakakakilig naman >___<

"maganda ka dyan?! bolero! tska bakit andito ka na? ang aga aga pa eh!"

"di ba magiging katulong niyo ng isang linggo?" tapos ngumiti siya sakin, parang ngiting aso eh.. tapos lumapit pa siya sa mukha ko.. jusko! anong gagawin ng gwapong nilalang na ito? namamanyak naman yung isip ko! ay hala bad, erase erase.

"hahaha! akala mo siguro hahalikan kita?" oo akala ko talaga.

"hindi nuh! manyak!"

"hala? manyak agad? ikaw flat ah..." hala flat daw?

"bumalik ka na naman sa pag ka bakulaw mo ah!" kahit may pag ka bakulaw yung ugali ng mokong na to, okey lang. Yun siguro yung bagay na namimiss ko sakanya, yung asaran namin. Sabi nila ang relasyon na sobrang tamis madaling pag sawaan.

"sorry na pudge, namiss ko lang kasi na asarin ka eh, haha!" pareho pala kami ng nararamdaman ni miggy.. "ako din miss ko nang asarin ka" tska ako tumawa..

"MIGGY! PRINCESS! BUMABABA NA KAYO DYAN!!" sigaw ni kuya ace.

"OO KUYA!" tinulak ko na si miggy palabas ng kwarto ko, habang ako nag hilamos naman sa banyo sa loob ng kwarto ko. aba! kahit naman sinabi niyang maganda ako, hindi ako naniniwala, for sure ang panget ko.

pag kababa ko ng kwarto, nakita ko sa lamesa yung breakfast namin, hotdog, bacon, bread, egg and sinangag. WOW! ang sarap ah! sino kaya nag luto neto? "ang sarap ng food ah, kuya ace ikaw nag luto?" tanong ko sa kanilang tatlo na naka upo na agad sa lamesa, aba mga gutom.

"hindi pudge, ako nag luto niyan!" sabay smile niya sakin.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang