Chapter 11 (part2) : inlove na ba ko?

540K 14.6K 2K
                                    

Chapter 11 (part2) 

inlove na ba ko?





ramdam na ramdam ko yung saya. Dahil ba kumanta si miggy sa stage kanina? siguro, pero yung kantahan ka ng isang lalaki sa harap ng madaming tao kahit na hindi sya magaling kumanta? OMG! siguro manhid na lang hindi kikiligin dun di ba? plus the fact na gwapo si miggy. Hindi ko alam pero tingin ko unti unti na ata akong na inlove kay miggy, ang sungit sungit nya pero pag dating sakin ang sweet nya. Sobrang nag iba sya, kahit minsan inaatake pa din siya ng pagka bakulaw nyang ugali. Hindi pa ko sigurado pero malapit na...

"PANGET!! bilisan mo nga! gutom na ko!"





"OO ETO NA PO BOSS!"

papasok na sana kami sa jollibee...

kaso nakita namin si kevin tska yung girlfriend niya...

"ay busog pa pala ko panget tara lakad na lang tayo sa sea side?"

"hindi miggy, okey lang sakin na andito sila"

"ehh! sa busog na ko eh! tara na dali!"

hinila ako ni miggy papalayo sa lugar kung nasan si kevin.. alam kong ayaw ni miggy na makita ko silang dalawa ng girlfriend nya.. aaminin ko, apektado pa din ako kay kevin, hindi naman kasi ganun kadali kalimutan yung lahat eh. pero sobrang na touch ako kay miggy kasi talagang pinoprotektahan nya ko, kahit gustong gusto nya pumunta ng jollibee umayaw sya para lang hindi ako masaktan.

"panget ok ka lang ba?"

"HAHAHA! oo naman bakit naman ako hindi magiging okey?" sinungaling.

"ah akala ko kasi..."

"miggy wala na yun nuh! ano ka ba? tara upo tayo? malapit na pala mag sunset, gusto ko mapanuod yun eh! ^___^"

"okey."

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon