Chapter 16: new friends

476K 12.2K 872
                                    

Chapter 16: new friends

--

"hi ate"

"wow ang cute niya!"

"dre akin na yan"

yan yung mga narinig ko habang papunta ako sa room ko dito sa don mariano. ako kasi yung napiling exchange student, ewan ko ba! bakit may ganto pang ka ek ekan. nakakatakot pa naman dito, mukang mga gangster yung mga andito pati mga babae ang kakapal ng make up tapos ang daming mga silver na naka palibot sa katawan nila. damn! bakit kasi ako pa yung napili na mag represent ng school namin dito eh.

"Ms. arrevalo eto yung magiging section mo sa loob ng one week" what? one week? akala ko ba three days lang?

"ah okey po" wala naman ako palag eh -__-

pag pasok ko pa lang sa room ko, grabe na agad yung mga tingin sakin ng mga magiging classmate ko. nakakatakot >__< huhu ayoko na dito.

"ate dito ka umupo oh!" alok sakin nung babae. mukha naman siyang matino, hindi siya mukhang gangster tska simple lang siya at maganda siya.

"ah thanks.. ako nga pala si cristin"

"ah ako si alyssa, nice to meet you cristin" nag smile siya sakin. wow ang bait naman niya.

"nice to meet you din. pwede mag tanong?"

"nag tatanong ka na di ba?" wow pilosopo pala. mukhang pamilyar yung linya na yun, ganyang ganyan din yung sinabin sakin ni miggy dati. na alala ko tuloy siya :(

"hehe joke lang, sige mag tanong ka na cristin!"

"mababait mga classmate natin?

yung mukha niya naging ganito --> o___O

"HAHAHAHAHA!" luh? tumawa? -___- nakakaloko to ah. nag kamali ata ako ng impression na mabait siya eh.

"anong nakakatawa?"

"ui sorry ah! eh kasi naman natatawa ako eh. yang mga yan? mukha ba yang mga mababait? syempre hindi" hindi? OMG! kinabahan tuloy ako! kuya help me! miggy where are you? T___T

"ah ganun ba.."

dumating na yung teacher namin. bakla siya. mas maarti pa ata siya sakin eh, ano ba naman tong napasukan ko? magugulong classmate. baliw na katabi. tapos ngayon eto. ano pa bang kamalasan yung dadating sakin? huhuhu.

"okey class say hi to our visitor, si cristin arrevalo. galing siyang ramon magsaysay high school at siya yung exchange student kapalit ni maureen reyes" nagtinginan silang lahat sakin, yung iba mag smile yung iba naman tinarayan lang ako. nag bow na lang ako tska nag smile.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon