Chapter 44: My kryptonite

409K 8.8K 1.6K
                                    

Chapter 44: My kryptonite 

<a/N>

kung gusto niyo makita itsura nila tin, hanapin niyo lang yung Fan page neto sa FB, search niyo lang Im inlove with a Dota Player. :) 

--

MICHELLE POV


"miggy?" bakit ang tagal buksan ni miggy? umalis ba siya? pero sabi ng guard hindi naman.

"miggy open the door!"

"andyan na ate!!" gahd! ano bang ginagawa niya? "ate anong ginagawa mo dito?" nag tanong pa siya? mukhang may ginagawa tong kalokohan eh.

"masama na ba ko dumalaw sa baby brother ko?"

"ate!! hindi na ko baby pwede ba?!" at aba sinisigawan na niya ko.

"hindi mo ba ko papapasukin?"

"ahhh.. ok.." nakakahalata na talaga ako dito eh.

Pagkapasok ko, nakita ko tin.. AHHHH.. kaya naman pala ayaw niya kong papasukin eh. Bakit naman siya pa yung pumunta sa bahay ng kapatid ko? kababaeng tao eh. Mana siya sa kuya niya, malandi.

Buti na lang, bago ako umuwi dito, nasabi na agad sakin ni alyssa lahat.

"oh andito pala si tin? bakit hindi mo naman agad sinabi?"

"ah hello po, ate michelle.." kunwari pa siyang mabait, if I know kasing sama siya ng kapatid niya. pero maganda na din yung hindi alam ni miggy na may alam ako sa lahat, para safe ako. Mautak din talaga siya eh, alam niyang magagalit ako kapag nalaman kong si tin yung Girlfriend niya. Well sorry bro, Mas mautak ako.

"hello tin? nakakagulat naman na andito ka.. alam mo dapat si miggy na yung pinapapunta mo sa inyo, you're a girl dapat ikaw yung pinupuntahan di ba?" nakita ko siyang yumuko, malamang nahiya sa ginawa niya. Sino ba naman kasing babaeng may delikadesa yung pupunta dito, isa pa dalawa lang sila dito ng kapatid ko, bata sila, hindi ba niya naisip yung posibleng mangyare?

"ate!!" Why? im just telling the truth.

"okey lang miggy, tama naman si ate michelle, sorry po ate, di na po mauulit.." Sus nag papa awa effect pa siya. Hindi yan uubra sakin dear.

"ate ano ka ba?!" ang sama ng tingin sakin ni miggy, for six years na hindi kami nag kita ngayon ko lang siya tumingin sakin ng ganyan, mahal na ba niya yang tin na yan? how dare him turn his back to me. Alam naman niya yung ginawa sakin ni ace eh.

"owww easy krizzy!! ano ka ba miggy? wala naman ako minimean sa sinabi ko? tin im sorry, hindi ko alam na ma offend ka.."

"hindi po ate, si miggy kasi OA eh!" hinampas niya si miggy, tapos ngumiti siya na parang ewan sa kapatid ko. Naiirita tuloy ako. 

"ahm.. kakausapin ko lang sana si miggy, pero babalik na lang ulit ako mukhang istorbo ako sa inyo eh.."

"ah hindi na po! mauuna na din naman po ako eh.."

"pudge! mamaya ka na umuwi! hayaan mo lang yan si ate.." aba mas pipiliin niya pa si tin kesa sakin na ate niya? tama nga si alyssa, bad influence to si tin kay miggy.

"baliw ka talaga! hindi na! tska bmay monthly check up nga pala kami ngayon.. tama baka nga late na ko eh" humarap siya sakin  tapos nag bow siya, "sige po ate michelle, una na po ako! bye po!"

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon