Chapter 19: basta DOTA PLAYER, sweet lover.

662K 13.7K 2.6K
                                    

Chapter 19

 basta DOTA PLAYER, sweet lover.

--

"ilang taon ka na?"

"san ka ba nakatira?"

"anong year mo na?"

"may mapapakain ka ba sa anak ko?"

"anong trabaho ng mga magulang mo?"

"PAPA!!! ang dami mong tanong, hindi na maka sagot si miggy!"

"pasensya naman, alam mo naman ang papa mo, over protective sa prinsesa namin, di ba mama?" hays si papa, umandar na naman ang pag ka over protective. nakakahiya tuloy kay pudge ko.

"hay honey! tingin ko naman mabait to si miggy, kaya hayaan na natin sila ni cristin. ikaw talaga! parang hindi ka dumaan sa pag ka binata." thank you ma, your my savior! haha ^__^

"hindi! unang boyfriend to ng anak natin, tska pag uwi ko madadatnan ko sila na agad, ano yun?" ay oo nga pala hindi ko nasabi kala mama at papa na nanliligaw na sakin nun si miggy. pero andito na din eh, hehe. mukha namang payag na si papa eh.

"ahm.. excuse me po, pwede na po ba kong magsalita?" hala adik to si miggy! hindi ba siya natatakot sa papa ko. haha ang tapang ha. sabagay bakulaw kasi siya eh.

"oh sige! ano bang gusto mong sabihin?" tumaas yung kilay ni papa, haha! siguro hindi niya inaasahan na mag sasalita ng ganun si miggy, kahit din naman ako eh nagulat, akala ko tatahimik lang siya.

"una po sa lahat, pasensya na po kung hindi ko na nahingi yung permission nyo para ligawan si cristin. pangalawa gusto ko ulit humingi ng pasensya kung napaiyak ko siya kanina, PANGAKO..." wow naka emphasis talaga yung pangako, tska ang sincere ng mukha niya ha, ikaw ba yan miggy? haha. "hinding hindi ko na po sasaktan yung anak nyo, at higit sa lahat.. mahal na mahal ko po si cristin, kaya sana po pumayag na kayo sa relasyon namin, aalagaan ko pa siya kahit anong mangyari.." tapos lumuhod siya sa harap nila mama..

"hoy pudge! tumayo ka nga diyan! para kang ewan." suway ko kay miggy.

"tita, tito.. hinihingi ko pa sana yung basbas niyo samin ng anak nyo na si cristin eh.." tumayo si papa sa kina kaupuan niya, tapos naka taas na naman yung kilay niya kay miggy. Luh? lakas ng trip neto ni papa ha, baka sa kanya nag mana to si miggy.

"tumayo ka na nga diyan.. ang KORNI mo! sige payag nako.. basta wag na wag mong sasaktan tong unica ija ko ah? kung hindi..." tumugil si papa sa pag sasalita.. "kung hindi, ano po tito?" tanong ni miggy.. "nakikita mo ba yung samurai ko na yan na nakasabit? yan lang naman yung ipang pupugot ko ng ulo mo.." napalunok si miggy sa sinabi ni papa, haha nakakatawa tuloy siya.

"hay nako honey! tumigil ka na nga! tinatakot mo si miggy eh. Ganyan ka din naman nung mga bata pa tayo, ganyang ganyan ka! kaya ikaw tumigil ka na dyan!" kamot ulo na lang si papa, haha! sige papa pumalag ka kay mama. ala ko under ka diyan, under..standing! ^___^

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon