Chapter 2: Ano daw?

871K 18.3K 3.6K
                                    

Chapter 2: Ano daw?

---

MIGGY POV

  

Siya pala yung cristin arrevalo, yung balak ligawan ng kevin na yun, hindi ko alam kung anong nagustuhan niya dun, oo cute siya pero yung katawan niya? tsss payat hindi sexy. Tska yung ano nya, ang liit eh parang tinapay, sino mag kaka gusto dun? ang ingay pa niya nakaka irita.

Ang balak ko lang sana ipagawa sa kanya, hanapin yung cristin arrevalo, pero kung swe-swertihin ka nga naman, siya na pala yun. Parang hitting two birds at one stone, tama ba? basta ayun na yun. Buti may nag turo sakin kung asan siya.

Wala naman akong gusto dun, pag panggapin ko lang siya na girlfriend ko para mawala sa laro yung kevin na yun, malakas siya kung tutuusin, Isa siya sa pinaka magaling pag dating sa dota, pero syempre wala ng tatalo sakin. madaya na kung madaya pero kelangan naming manalo. At tama ang hula ko, nawala siya sa laro.

Bakit nag kaka gusto pa siya sa iba? paano na yung girlfriend niya? porket ba nasa ibang bansa siya? loko ka kevin. Sisiguraduhin kong hindi mo makukuha yung gusto mo.

--

TIN POV

Second day ko na sa school, second day ng pagiging fourth year high school dito sa Ramon Magsaysay dito sa espana. Ilang taon na lang pala college na ko, waaaa at wala pa din akong nagiging boyfriend huhu! napag iiwanan na ko. Hindi naman ako panget, may mga nanliligaw naman sakin. Kaso sabi ni kuya wala pa akong 18 kaya hindi pa pwede.

Pag pasok ko sa classroom, aba wala si bakulaw ah? Ano kaya nangyari dun? at tska teka bakit ba ko nag aalala dun? dapat nga matuwa pa ko na walang bakulaw na mang gugulo sakin eh.

*riiiing*

Woo break na, salamat naman gutom na ko eh. 

Habang papunta ako sa canteen nag titinginan sakin yung mga estudyante, luh? bakit? hm sabagay ganito naman minsan pinag titinginan ako, kasi daw cute ako eh? haha assuming lang? De joke lang haha!

Pag dating ko sa canteen bumili agad ako ng pagkain, gutom much na ko eh! tapos nakita ko yung dalawa kong baliw na best friend, si apple at si sarah.

"Pol! sars!"

"Ui tin! miss ka na namin!" sabay hug sakin! ngayon ganyan sila? eh bakit kasi nagloko tong dalawa na to yan tuloy hindi sila na sama sa cream section! hindi ko tuloy sila classmate. How sad :-(

"Miss niyo ko nuh? yan kasi nag loko pa eh.."

"Eh kasi naman, nakaka sawa na maging section one, hindi nakakagawa ng kalokohan di ba apple?  tska walang gwapo sa section natin puro mga nerd!" sabi ni sarah. Kelan pa siya natutong lumandi? tss.

"Hoy si tin na lang nasa section one, di ba nasa lower section na tayo? Ang malas nga kung kelan kami nag iba ng section tska naman may nag transfer na pogi sa section one. Unfair." sabay pout tapos sad face. Pero pogi daw? eh puro nerd mga classmate ko eh, tska kung pogi man bakla naman.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon