Chapter 41: Family :)

365K 9.2K 908
                                    

Chapter 41: Family :)

 

 

--

MIGGY POV

 

"miggy ikaw mag sindi ng fountain mamaya ah?"

"ok sige ace.." si tin naman ang sama ng tingin sakin. Ano na naman ginawa ko?

"pudge! bakit ka pumayag? mamaya ma putukan ka pa nun eh, eh si kuya ace expert na dun. tsss under ka talaga kala kuya, asan na yung pag ka bakulaw mo ha?"

"ehh kaylangan mag palakas ako kay bayaw.. haha!" tapos hinampas niya ko sa may braso ko. Ang hina talaga humampas netong tinapay na to. Haha! "ouch ha! nasaktan naman ako dun!" i said in a sarcastic way, ang sarap talaga asarin ni tin. Haha!

"ewan ko sayo! ina asar mo na naman ako! tseeee!"

"eto naman joke lang yun pudge! haha i love you!"

"i love you mo mukha mo! i love you too" hinila ko siya papunta sakin tapos niyakap ko siya. "huy miggy! anong ginagawa mo! kapag tayo nakita ni kuya lagot ka!!"

"wala lang gusto lang kita yakapin..." umalis agad siya pag kaka yakap ko sakanya tapos tinignan niya ko... "oh bakit?"

Hinalikan ba naman ako sa lips.

"hahaha! ang slow hands mo pudge! sige na dun na ko sa kusina!"

Haha! baliw talaga to si tin. Kaya mahal na mahal ko yang payatot na yan eh. Nakaka lito lang kanina, kung ano ano yung sinasabi niya. Hays akala ko tuloy makikipag break siya eh. Hindi ko ata kaya yun, iniisip ko pa nga lang na mawawala siya sa buhay ko, parang nanghihina na ko eh. Alam ko naman yung point niya eh, hindi naman talaga kami sigurado na kami na talaga yung mag kaka tuluyang dalawa... siguro nag aalala lang siya sakin na kapag nangyari yun, hindi ko kayanin, na bumalik ako sa dating ako. Simula nung makilala ko si cristin.. na realize ko na may halaga din pala ko sa mundo.. na dapat pala dati ko pa inayos yung buhay ko... tska natuto din akong i balance yung pag dodota ko. Siya lang ata yung Girlfriend na kahit ayaw ako mag dota, pumapayag pa din siya kasi alam niyang yun yung gusto ko. Para sakin, wala na kong mahahanap na katulad pa ni Cristin.. para sakin nag iisa lang siya..

"kuya miggy!! may itatanong ako sayo dali..."

"oh miguel ano yun?" wow ha? parang ngayon lang ako tinawag na kuya neto ni miguel.

"eh kasi... kasi..."

"ano ba yun miguel? sabihin mo na, madami pa tayo gagawin, mamaya new year na oh.."

"kasi mamaya andito yung girlfriend ko eh, ipapakilala ko siya kala papa mamaya, ahm.. kasi hindi ko alam paano eh.. kinakabahan ako..."

"hahaha!!" hindi ko mapigilan yung tawa ko kay miguel.

"miggy naman eh!!" ayan nawala na tuloy yung kuya niya.

"madali lang yun nuh.. ako na bahala mamaya.."

"ayun! haha sige sige..."

Natawa naman ako kay miguel. Hays binata na pala yung bunso nila tin. Na alala ko tuloy nung bata ako, may nakilala ako sa amerika na batang babae tapos naging girlfriend ko din siya nung araw na yun.. Dinala ko siya sa bahay tapos pinakilala ko siya kay daddy.. haha five years old pa lang ako nun, pero ngayon ang laki ko na.. wow nag drama? na miss ko tuloy bigla si daddy. Sayang hindi siya makaka punta dito para sa new year. Dati kapag Christmas at New year, lagi kaming sama sama, si mama si papa ako tska si ate... kaso nung nawala si mama, hindi na yun naulit eh... Buti na lang nung nakilala ko si tin, parang nag ka pamilya ulit ako... Sana lang andito din si mama...

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon