Chapter 30: One more chance

427K 10K 1.5K
                                    

Chapter 30:
One more chance 

--

Bago ako pumasok inexplain ko kala sarah at apple lahat. Pati nga pala kala mama at papa, kuya at miguel na explain ko na, natakot si papa sa safety ni miggy at syempre pati sa safety ko. Baka daw balikan kami nun, si mama din sobrang alala. Si kuya naman galit na galit, at kapag nalaman daw niya kung sino yun baka sila yung mapatay ni kuya, nakakatakot si kuya pero alam ko naman na nadala lang siya ng galit. Pumunta si dante sa bahay, at inassure naman niya kami na walang mangyayari na masama, member pala yung family niya sa isang organization ng mga mafia, at kilala niya yung gumawa neto kaya okey na ang lahat. Kaya nawala na lahat ng kaba namin..

"Iharap niyo sakin yang alyssa na yan! kakalbuhin ko talaga yan!" napag usapan kasi namin yung nangyari kahapon sa park, yung mag kasama sila miggy at alyssa.

"hoy sarah, easy ka nga lang! hayaan mo na.."

"oo nga, tska si miggy yung may kasalanan hindi siya bakla, pati given na yung malandi si alyssa. HALIPAROT!"

"hahaha ang mean niyo" tama si apple. si miggy may gusto nun, kaya dapat hindi ko isisi lahat kay alyssa, pero mali pa din na pinatulan niya yun.

"bakla sabihin mo na sakanya yung totoo, for sure magiging okey din kayo after niya malaman yun! tama na emote." sabihin? para ano? kaawaan niya?

"tara na malalate na tayo"

**

pag dating ko sa classroom nandun na si miggy sa upuan niya, wow aga niya ha? samantalang ako napuyat kaka iyak kagabi. Nung nakita niya ko, umiwas siya ng tingin tska tumingin ulit sa notebook niya tas nag sulat. So no pansinan pa din ha? okey lang kaya ko din siyang hindi pansinin, may kasalanan pa nga siya sakin eh. Umupo na lang din ako sa upuan ko na katabi lang naman ng upuan niya >.< ang awkward naman. Hanggang maka dating yung teacher namin hindi kami nag papansinan.

"Class let me remind you na yung project niyo palang parol making contest, kelangan ko na yung design niyo today kaya hindi ako mag tuturo para makapag usap kayo ng partner niyo.."

Usap? bitch, please.

Ten minutes na yung lumipas pero hindi pa din kami nag uusap ni miggy.. yung mga classmates namin may na uumpisahan ng design, kami nganga :( tinry ko kausapin si miggy..

"ahm.. miggy alam kong mag kagalit tayo nuh, pero sana gumagawa tayo ng design?"

"okey.." malamya niyang sabi. Okey sabi ko nga eh, gagawa lang kami ng design >.<

"eto may na drawing ako, anong tingin mo?"

"pwede na yan.." hindi naman halatang wala siyang gana?

"sige ako na lang nga gagawa" -__-

Nag drawing drawing ako dito kaso ampanget talaga. Huhu hello? im not good at this, baka mas magaling pa mag drawing yung kinder sakin, tapos sasabihin ni miggy na pwede na? psh! na fufustrate na ko sa kaka drawing ko!!!

"ahhhhh!!" napasigaw ako sa inis, hindi kasi ako makapag drawing ng maayos eh. Lahat ng classmates ko nag tinginan sakin, ako lang kasi ma ingay samin eh. "ahm sorry?" huhu kakahiya.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon