Chapter 33: Say you'll never go

408K 10.4K 1.1K
                                    

Chapter 33: Say you'll never go.






Love is holding on.. even if you feel like letting go.


**



"asan ako?"

"princess, nasa kwarto mo.. okey ka lang ba?"

Umiyak ako. Okey lang ba ko? HINDI. Hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kagabi. Si miggy, tama si miggy, kaylangan ko mag paliwanag sa kanya.

"kuya si miggy? asan siya?" tumayo agad ako sa kama ko, medyo masakit pa yung ulo ko. "kaylangan ko siyang makausap eh" Parang nag aalala yung tingin ni kuya sakin, bakit kaya?

"tin, nag eempake na si miggy.. aalis na ata siya."

Nataranta ako sa sinabi ni kuya, "pero bukas pa dapat tayo aalis di ba?" umiling lang sakin si kuya. Alam ko na, aalis siya dahil sa nangyari? pero hindi pwede. Kaylangan ko pa mag explain eh.. Tumakbo agad ako sa kwarto ni miggy, hindi pwedeng dito lang to matapos, wala akong ginawang masama. 

Pag pasok ko sa kwarto...

"ah sorry.. nakaka storbo ata ako.."

Sinara ko yung pinto. Tumakbo ako papalayo sa kwartong yun, papalayo kala miggy at alyssa. Ouch naman? mag kayakap sila? bakit? so pinagpalit niya agad ako sa iba? wala pa nga kaming official break up eh.. pero kasalanan ko naman to eh..

"bakla anong ginagawa mo dyan? tara kain na tayo sa baba, may food na dun.." sabi ni sarah.

"ah sige.."

Pag ka baba namin, andun na si ryan tska maureen teka asan si apple pati si kevin? ano kayang nangyari dun sa dalawa kagabi? sana okey na sila. shemay! si dante, oo nga pala.. hindi ko alam kung anong nangyari, kasi nung umiyak ako ng umiyak pag gising ko.. nasa kwarto na ko. Marami pa kong gustong itanong sakanya.

"maureen, asan si dante?"

"ah umalis eh, pero babalik din yun mamaya, bakit tin? okey ka na ba?"

"ah, oo.. bakit may nangyare ba sakin?" tumingin silang lahat sakin.

"ah nawalan ka ng malay kagabi, kaka iyak, tapos binuhat ka ni dante papunta sa room mo." aw! hindi ko alam yun, gusto ko tuloy makita si dante, gusto ko malaman kung siya ba yung may gawa ng picture na yun.

"ah ganun ba.. okey na ko thanks.."

Ang daming masasarap na pagkain sa harap ko, hindi naman ako makakain kasi iniisip ko si miggy.. Ano kayang ginagawa nilang dalawa dun ni alyssa? T___T

Habang kumakain sila, ako nakatulala lang, bumababa na din si kuya.. kasabay si miggy, kasama si alyssa....

"princess! nakatulala ka dyan? kumain ka nga.."

Hindi ko pinansin si kuya, nakatingin lang ako kay miggy.

"mahal! umupo ka nga kumain ka na dito, baka diet to si tin.." sabi ni sarah kay kuya. Tumayo naman si miggy, kukuha ata siyang gatas. Sinundan ko siya.

"miggy?" diretso lang siya ng lakad. Hindi niya ko pinapansin. "miggy, please kausapin mo ko?" kahit tignan ako hindi niya magawa. "miggy!" medyo napasigaw ako kaya nag tinginan samin yung mga tao.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon