Chapter 3: Date o Dota?

691K 16.9K 3.4K
                                    





"Hoy bakulaw! ok ka lang ba? mag da-date tayo? Baliw ka ba?"

"Sinabi ng may pangalan ako eh, ano ka ba bingi? date nga eh, date!" tss eto na naman yung pagiging masungit nya, lakas maka mood swings eh.

Hinila nya na lang ako papunta kung saan. At...

At bakit kami andito sa computer shop? wag mong sabibin na..

"Miggy bakit tayo andito?"

"Mag dodota ako.. may laban kami eh.."

"Pero sabi mo mag dadate tayo di ba?" wait ah.. hindi ko gusto mag date kami, wala ako gusto dyan nuh! nakakinis kasi walang isang salita eh! akala ko pa naman makakalibre ako! TSK. Ayoko pa sa lahat, TALKSHIT.

"Hahaha. In your dreams! date ka dyan." arghh nakaka inis! SINUGALING talaga. Ay mali! paasa pala siya.

"Buiset ka talagang bakulaw ka! eh bakit sinama mo pa ko dito? kainis, sana pala nag pa hatid na lang ako kay kevin! wala kang kwenta!"

"Di ka ihahatid nun! Andito si kevin, sila yung kalaban namin.. tska hindi pwedeng hindi kami lumaban, tournament to eh, pag natalo namin sila, kami na yung champion.. Ice ba yun? kaya wait ka lang.. Okey? Gets mo ba?"

"Oo gets na gets ko.. Paasa! aalis na ko dito! sinungaling!" umalis na ko agad, nakaka inis talaga! napaka sama nya, bakit ba ganyan yan sakin? wala naman akong ginagawa. Baliw na ata yan eh.

Ang tagal ko ng nag lalakad pero walang sumusunod sakin, aba! akala ko naman susundan niya ko, tsk tama sabi nila, expecting doesn't hurt, assuming does. Kakainis kang bakulaw ka! Epal ka talaga sa buhay ko! bagong dating ka pa lang sa maganda kong buhay, nang gugulo ka na agad!

Umupo na lang ako dito sa park malapit sa school, nakakapagod din pala, hehe. Ang daming tao, may mga batang nag lalaro may mga mag jowa, tss PDA pa msyado. Tapos may ice cream, uwaaaa gusto ko ng ice cream, kaso ubos na yung baon ko, ang dami ko kasing kinain kanina eh T__T kaya nga gusto ko mag palibre kay miggy bakulaw eh!

Hays nakaka inis yung miggy na yun! lagi na lang ako binabara tska inaaway, galit ba yun sakin? Hay baliwag.

Biglang ang daming baloons sa harap ko At hawak ng isang lalaki, teka ano to? o sino to? wow teka... hmm baka si miggy to?

"Hoy bakulaw ikaw ba yan? wag mo ko pinag loloko ah!"

"Ouch hindi naman ako mukang bakulaw ah?" nag pout siya at nag sad face.

"Huh? kevin? bakit ka andito? di ba may tournament kayo?"

"Ah oo meron nga. nakita kasi kita kanina sa tapat ng shop tapos bigla kang umalis kaya sinundan kita.. akala ko kasi mag uusap kayo ni miggy eh.."

"Eh paano yung tournament?"

"hmp okey lang yun, tournament lang yun, madami pang chance tska may tiwala ako sa mga team mates ko."

awww nakaka touch naman, iniwan nya yung dota para lang samahan ako, waaaa ang sweet mo kevin lalo ako nag kaka gusto sayo eh.

"thanks kevin, buti ka pa samantalang yung bakulaw na yun. Hayss"

"haha! gusto mo ba si miggy?" hindi, hindi ko sya gusto. Ikaw yung gusto ko eh, IKAW! haha hays kevin kung pwede ko lang sabihin, kaso ano ba yun? Ka babae kong tao eh.

"Ha.. Ah eh, hindi nuh, bakulaw yun eh."

"Haha ikaw talaga ang cute mo." sabay pisil sa mga pisngi ko.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon