Chapter 15: nalilito

539K 13K 1.3K
                                    

6 years ago..

"migz hinihintay mo pa din si jenny?" tanong ni kevin kay miggy.

"oo kevz eh, sige mauna ka na lang" ayaw ni miggy na ma abala si kevin kaya pina una na niyang umuwi yung bestfriend niya. HIS ONE AND ONLY BESTFRIEND.

"ano ka ba dre? hindi kita iiwan mamaya mapahamak ka pa dito eh.. gwapo ka pa naman madaming gustong bumugbog sayo" pabirong sabi ni kevin kay miggy.

"haha gago ka talaga, gwapo tayong dalawa kaya pareho tayong mabubugbog!" habang nag uusap sila ni kevin, lumabas na ng school si jenny.

si jenny, ang babaeng gusto ni miggy... at ni kevin. Parehong malapit sa dalaga ang dalawang gwapong binata pero mas gusto niya si kevin. Kahit gusto din ni kevin si jenny, hindi pwedeng maging sila dahil ayaw masaktan ni oevin ang best friend niya, kaya nanatili siyang tahimik sa nararamdaman niya.

"oy nagtatalo na naman ba kayo kung sinong mas gwapo sa inyong dalawa?" tumawa si jenny habang tinatanong yun sa dalawa.

"sige nga jenny, kung ikaw papapiliin sinong mas gwapo samin ni kevin? isa lang ah.." parehong natigilan si kevin at jenny, nag ka tinginan sila, tingin na may pag mamahal.

"si kevin." seryoso niyang sinabi habang naka tingin kay kevin.

Nasaktan si miggy sa mga sinabi ni jenny, para sakanya mas gusto ni jenny si kevin kesa sakanya.

"ahh! oo nga pala mag dodota pa ko! sige una na ko sa inyong dalawa, oi bestfriend ihatid mo si jenny pauwi ah! sige byeee!"

alam ni kevin ang dapat gawin, yun ay ang lumayo kay jenny, kahit nasasaktan siya dahil sa totoo lang mahal na niya si jenny. binaling ni kevin lahat ng oras niya sa larong DOTA, para mawala yung nararamdaman niya.

"jenny, gusto mo ba si kevin?" habang nag lalakad si miggy at jenny pa uwi, bigla na lang yun naitanong ni miggy. Wala siyang idea sa nangyayari kala jenny at kay kevin. natigilan sa paglalakad si jenny.

"hindi..."

Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si miggy sa narinig niya. Nagkaroon ng malaking ngiti sa mukha ng binata

"kasi miggy, mahal ko siya. mahal ko si kevin."

nabingi sa katahimikan si miggy.. yung taong gusto niya, na ngayon mahal niya, mahal yung nag iisang bestfriend niya. gusto niyang manapak at sumigaw, pero hindi niya magawa dahil hindi siya maka galaw.

"miggy okey ka lang ba?" tanong ni jenny kay miggy.

"oo naman, masaya ako para sayo jenny, dahil alam ko naman gusto ka din ng bestfriend ko eh. sige una na ko ah!" umiwas na lang si miggy kay jenny, para sakanya wala ng mas sasakit pa makitang may mahal na iba ang taong mahal niya, sa bestfriend niya pa.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon