Chapter 32: Is it over?

535K 10.5K 1.8K
                                    

Chapter 32:  
Is it over?

--

KEVIN POV

Lintek naman inutusan pa ko ni miggy, hindi tuloy ako makaka kain ng lunch. Loko talaga yun! kung hindi ko lang siya kaibigan baka nabatukan ko na siya matagal na. Bibilisan ko na nga lang yung pag punta dun, para maka balik ako agad.

"kevin?"

Kahit nakatalikod ako sakanya, alam na alam ko kung sino siya. Kahit kelan hindi ko pwedeng makalimutan yung maganda niyang boses, parang anghel na nag sasalita.

"maureen? papunta ka na ba sa baba?"

"oo, ikaw? gusto mo sabay na tayo.." kung pwede lang sana.

"ah may inuutos kasi sakin si miggy eh, sige mauna ka na dun."

"how about your lunch? baka magutom ka?" teka? nag aalala ba siya sakin? Matagal na kaming nag uusap ulit ni maureen, parang dati pero sobrang malaki na yung pinag kaiba, kinakausap niya ko bilang kaibigan na lang. Minsan nga parang isa lang ako sa mga kaibigan niya. I mean parang hindi naging kami, parang hindi ako importante sakanya. Im just a friend.

"okey lang yun, mamaya na lang ako kakain. Sige i have to go.." as much as i want to talk to her, mas mabuti ng umiwas na ko. Tanggap ko na, na hindi na maiibalik yung dati. Hindi na magiging kami ulit. Kaya nga as much as possible lagi ko siyang iniiwasan, gusto ko na din kasi mag move on, pero habang nakikita ko siya, hindi ko magawa. "bye." tumalikod na ko sakanya tska nag lakad papunta sa may hagdan.

"wait!" lumapit siya sakin tska niya inabot yung sandwich. "you should eat, baka mag kasakit ka. Ginawa ko yan." She smiled at me. "take care." bumababa na siya, naiwan naman akong tulala dito.

"thank you.. maureen." para akong tangang nag sasalita mag isa. Hays ang lakas talaga ng epekto ni maureen sakin. Mabuti pa pumunta na ko dun sa may light house.

**

"Miggy! Pag naka akyat ako dyan patay ka sakin!" rinig na rinig namin ni miggy yung sigaw ni tin. Halatang pagod na siya sa pag akyat niya dito, hingal na hingal eh, five minutes na kaming nag hihintay dito ah.

"haha! ang lampa talaga nun! palibhasa payatot eh!" tawa ng tawa to si miggy, pero halata namang kinakabahan siya.

"haha! lagot ka dre pag naka akyat yun."

"HAHA! oo nga baka maging halimaw na naman yun, oh ano? ok na ba itsura ko?"

"okey na okey na. Muka ka ng tao!" tumawa ako tska inayos ko yung damit ni tin na isusuot niya mamaya.

"g@go! mas mukha akong tao sayo! HAHA!" nawala yung tawa niya nung makita namin si tin.

"MIGGY RIVERA!!!" natigilan si tin ng makita niya si miggy na naka tuxedo, napatingin din siya sakin. "anong meron? at bakit andito si kevin?" napadaan yung mga mata niya sa wedding dress na naka sabit sa dingding, nilapitan niya agad yung damit tska niya kinuha. "para saan to?" naka ngiti siya, parang alam na niya yung gagawin namin.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon