Chapter 31: Hello PARADISE!

517K 10.1K 1.5K
                                    

Chapter 31: 
Hello PARADISE!

--

After 3 months..

MIGGY POV

Madaming nangyari sa tatlong bwan.. Sa tatlong bwan na yun, parang isang taon. Ang dami kasi naming memories na nagawa ni tin na mag kasama. Tinupad ko kay tin yung sinabi ko na araw araw akong magiging sweet sakanya. Tuwing umaga pumupunta ako sakanila para ipagluto sila ng breakfast, minsan nga pinapagalitan na ko ni tita jane kasi sobra na daw yung ginagawa ko sakanila, pero sabi ko ginagawa ko lang yun para kay cristin. Minsan naman si tin yung pumupunta sa condo ko, hindi niya ko pinag luluto kasi hindi daw siya marunong, haha napaka stupid talaga nung tinapay na yun, nag dadala lang siya ng pandesal, pero kahit pandesal lang dala niya nabubusog na ko, sa pag mamahal pa lang niya busog na ko eh. Haha! Basta masaya kami, masayang masaya.. nasabi ko na nga sa sarili ko na si tin na yung babaeng ilalakad ko papunta sa altar. Siya yung babaeng minahal ko ng sobra, hindi ko na kaya na wala siya. Isang araw nga lang na hindi ko siya makasama parang mababaliw na ko.

Nung 2nd monthsarry namin, dinala ko siya sa puntod ni mommy, akala ko hindi siya matutuwa sa suprise ko pero tuwang tuwa daw siya, naiyak pa nga siya. Haha! iyakin talaga nun, sabi ko sa kanya wag umiyak eh, nag mumukha kasi siyang halimaw! haha. Nag over night kami dun, pero walang nangyari ah, kahit nakakatukso talaga, syempre lalaki lang ako, natutukso din. Haha! sobrang nirerespeto ko si tin, tska hindi din naman papayag yung tinapay na yun eh, isa pa malaki yung tiwala ng magulang niya sakin pati ni ace. Nung pauwi na kami akala ko walang regalo sakin si tin pero bago kami umalis binigay niya sakin yung kwintas na bigay sakanya ng lola niya, sabi daw ng lola niya kapag nahanap na daw niya yung true love niya ibigay niya daw tong kwintas na may star. Tuwang tuwa ako sa regalo ni tin, muntik pa nga ko umiyak. Buti na lang hindi, yuck nakaka bading yun. Sa laki ng katawan ko na to iiyak ako? pero sa totoo lang wala naman akong paki kung umiyak man ako sa harap ni tin kasi komportable na ko kapag kasama ko siya.

Nung 3rd monthsarry naman namin, kinausap ko si daddy na bigyan ako ng anim na tickets para sakin at sa pamilya ni tin, papuntang hongkong. Madaming pera si daddy kaya wala namang problema yun eh, ayoko lang talaga na humingi sakanya lagi. May hotel kami sa hongkong kaya hindi problema yung tutuluyan namin, yung mga gastos dun ako na lang umako, simula kasi ng naging mineski kami, bwan bwan kaming may sahod dun, isa pa lagi kaming nanalo sa mga tournaments kaya palagi akong may pera. May pera naman ako sa banko pero hindi ko yun ginagalaw, nag promise kasi ako kay mommy na iipunin ko yun para sa future ko. Nung okey na lahat, sinabi ko na kala tin yung plano ko, ayaw sana pumayag ni tita jane pero sabi ko naka set na lahat kaya pumayag nadin siya.  

Nung nasa hongkong na kami, dumeretso agad kami sa Disneyland. Buong araw kaming andun. Na miss ko kasi pumunta dito, nung 14 pa ko huling dinala nila daddy dito. Simula ng mamatay si mommy ayoko na pumunta dito kasi na aalala ko lang siya. Kaso nung makilala ko si tin, pati pamilya niya, sumaya ulit ako. Ang sarap ng pakiramdam na kasama sila, parang kasama ko lang ulit yung mommy ko. Tatlong araw kami nag stay dun. Pasyal dito, pasyal don, nung huling araw namin binigyan ako ng Knit jacket ni tin na siya yung gumawa, may nakalagay na pudge sa harap, regalo daw niya sa monthsarry namin. For me that was the best vacation I had so far.

Si Ace naman at Sarah naman, mag iisang bwan ng sila. Natawa nga ako nung nalaman ko eh,  Mokong talaga to si ace pumoporma na pala kay sarah, tinalo pati kaibigan ni tin haha! Pero hindi naman ako magtataka, kapag kasama niya kasi si sarah, ang saya saya niya. Eh yung mga ex niya dati trip niya lang ata yun , maliban sa ate ko. Matinik talaga to sa chika babes. Dyan ako nag mana eh! haha.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon